"Hija,halika at humiwalay ka muna kay Jesse. Samahan mo akong makihalubilo sa mga tao sa labas." Inaya ako ni tita Rica. Ang mommy ng 'boyfriend' ko.
Halos dalawang linggo na ako dito sa Lumar City at pangatlong party na itong nadaluhan namin.
Ngayon nga ay isang graduation party ang aming pinuntahan. Graduation ng isa sa mga kapamilya ng tagasuporta ni Mayor Boas,o tito Renz na ama ng 'boyfriend' ko.Kanina ay magkasama kami sa living room ng bahay ng nagpaparty. Kaunti lang ang tao roon at naglalambingan lang naman kami ni Jesse. At ngayon nga ay kinukulit na ako ni Melody. Naka pink na dress ito pero napaka-kapal naman ng eyeliner.
Nakita kong lumabas na rin si Jesse. Nginitian ko ito at nag flying kiss din. Ngumiti ito pabalik at kinindatan ako.
"Ate, ate, tikman mo itong dala ko, masarap ito. Favorite ko ito eh." Tinikman ko nga at nginitian ito. Nagkatawanan kami.
"Hush ladies, come here. Ipapakilala ko kayo sa mga kaibigan ng dad niyo."
Hinila kami ni tita Rica at nagpunta kami sa isang malaking table ng mga bisita.Inikot ko ang aking paningin at nakakamanghang magaganda.at mga gwapo silang lahat.
"Tita Maitha!!! Nasaan si Lorenzo??? Bakit di ko siya nakikita sa school??!" Sabi ni Melody na biglang yumakap sa magandang ginang. Nakita kong ngumiti iyon sa amin at tahimik na kinausap ang dalaga.
"Who's she?" Tanong ng gwapong lalaki. Marami itong balbas pero gwapo at mukhang masayahin.
"Oh, listen guys. Eto nga pala si Marianne, girlfriend ng anak kong si Jesse."
Nagkatawanan sa lamesa. May isang lalaki na kamukhang kamukha nung balbas saradong lalaki, pero malinis ang mukha nito.
"Nice to meet you Miss Marianne,naiku-kwento ka sa akin ni Jesse. Ako nga pala si Joseph,pinsan niya. Magkasosyo kami sa Restaurant niya sa lugar ninyo." Nginitian ko ito.
"Magpinsan kami ni Renz, kaya magpinsan din ang mga anak namin, eto ang asawa kong si Leanne,princess, pakipep talk naman itong bagong prinsesa ng mga Boas." Hinalikan nito ang pisngi ng asawa. Napakaganda ni Ma'am Leanne, nung natitigan ko siya ay napansin kong parehong pareho pala sila ng mata ni kuya Joseph.
Pinaupo nila ako sa tabi ni tita Leanne.
"How old are you?" Nakangiti ito sa akin. Ang lahat naman ay nakamasid sa amin. Tanging si Ma'am Maitha at melody lang ang busy na nag-uusap sa gilid.
"Seventeen po. Mag-e-eighteen po ako next month.", nahihiyang sagot ko.
"Alam mo na ba ang tila tradisyon ng pamilya namin?" Tanong ng asawa nitong si Tito Ramon.
Umiling ako. "Hindi po."
"Karamihan sa amin, I mean sa mga Boas,nakakapag-asawa ng higit na bata kaysa sa amin. Kami nga ni Leanne eh, baby face lang ako pero seven years ang gap namin. Wag kang maingay ha? Si Renz? Ex niya iyang si Maitha. 8years ang gap nila kaso di nagkatuluyan. Dumatingnkase si Rica sa buhay niya."
Hinampas ni tita Leanne ang asawang nabulong.
May nakita akong napakatangkad na lalaki at ubod ng gwapo,na papalapit sa mesa namin. Lumapit ito kay tita Maitha at inayang sumayaw ang huli.
"Ayan ang asawa ni Maitha,si Rafael. Uy Giselle,totoo bang nahuli ni Rafa na may lalaki si Maitha?" Tanong ni tita Leanne sa may katabaang babae, "Wala,chismosa ka na ngayon Leanne ha?"
Busy ito sa kakatext at natitigan ko ito. Maganda ito,parang kamukha ni Angel Locsin. Wala lang nunal sa mukha.
Marami pa akong nalaman sa kanila. Kung paano sila mga nagkatuluyan. Naikwento rin sa akin kung sino si Ate Geraldine at paanong naging mag-asawa sila ni Jace, na kakambal ni Jesse ko.
Si ate Geraldine pala ay isang tomboy noon,pero napaibig ng babaerong si Jay. Ngayon nga ay buntis na ito.
Masaya palang kausap ang mga nakatatanda. May mga kalokohan silang pinag-uusapan. Tumabi sa akin si tita Maitha..natahimik ang lahat sa mesa.
"Marianne, sana masagot mo ng maayos ang mga tanong ko. Para sa iyo rin naman ito..."
Nakipagtinginan siya kay tito Ramon at tita Leanne. Kami kami lang ang naiwan ngayon sa mesa.
"May nangyaari na ba sa inyo ni Jesse?" Tanong nito.
Nahihiya ako kaya tumango na lang ako.
"Madalas ba?"
"O-opo."
Nagkatinginan ulit sila.
"Makinig ka sa akin. Mahirap mabuntis ng maaga. Isa pa ay hindi pa kayo kasal. Siguro ay imungkahi mo kay Jesse na gumamit ng proteksyon. Alam kong nagmamahalan kayo pero mahirap magkaanak ng maaga. Nagiging sutil ang mga anak kapag kaunti lang ng diperensya ng edad niyo. Ako na ang magpapatunay sa sinabi ko. Sutil ang panganay ko pero mapagmahal naman. Pero sa bata mong iyan,baka magkasakit ka at mahirapan kang manganak. Payo lang ito. Maaari naman kayong magkaanak kapag kasal na kayo,hindi ba?"
Inintindi ko ang lahat mg sinabi nito at sumang-ayon ako.
Tila nakahinga ang mga ito ng sinabi kong gagawin ko ang pinayo nila.Kung ano ano ang tinuro sa akin ni tita Maitha at tita Leanne. Maya maya ay kinuha na akong muli ni tita Rica.
"Have you got a nice chat with Maitha?" Tanong nito sa akin habamg hinahanap namin si Jesse.
"Opo tita." Sabi ko.
"That woman,matagal bago ko makuha sa kanya si tito Renz mo, pero baliwala lang sa kanya na inagaw ko si Renz. Ngayon nga ay kitang kita ko na nagmamahalan sila ng asawa niya. Kung hindi ay baka miserable parin ako dahil sa ginawa kong pang-aahas kay Renz."
Nginitian niya ako. Sabay kaming napatingin sa mag-asawang Benitez na muling nagsasayaw sa himig ng malamyos na tugtugin. May natanaw akong binata sa likuran nila at kinalas ang nagsasayaw na mag-asawa. Mukhang anak nila ito sapagkat hawig na hawig ni Mr. Benitez iyon. Isinayaw nito ang natatawang si Miss Maitha.
"There you are, I've been looking for you ladies." Si tito Renz na kasunod ang nakasimangot na si Jesse.
Hinila ako ni Jesse mula sa mommy niya at dinala ako sa dance floor.
Doon nga ay isinayaw niya ako.
Humilig ako sa kanyang dibdib. Naaalala ko ang sinabi ni tito Ramon. Naiinlove ang mga Boas sa mga batang kapareha nito. Ngumiti ako. Mahal na mahal ko si Jesse."I love you more, Marianne." Napatingala ako sa sinabi niya. At sa gitna ng dancefloor,lumuhod si Jesse at naglabas ng singsing.
"Will you marry me,my cinderella?"
Naghiyawan ang mga tao. Maraming flash ng camera ang sumilaw sa naluluha kong mga mata. Tumango ako at isinuot niya sa akin ang singsing.
Ito na ba yung happily ever after ko?
Halik ang tugon niya sa tanong ng isipan ko.
BINABASA MO ANG
Not Your Ordinary Cinderella Story
Fiksi Umum[COMPLETED] warning! Medyo SPG ~ Si Marianne na inosenteng Cinderella noon, matured na ngayon.