PASARA na ang elevator nang isang kamay ang nakita ni Paul na pumigil sa tuluyang pagsara niyon. Nagulat siya nang makilala ang babaeng pumasok sa elevator. Ito rin ang babaeng tinulungan niyang tumawid sa kalsada kanina. Mukhang naramdaman nito ang titig niya dahil lumingon ito sa kanya.
Tila lumiwanag ang buong elevator nang ngumiti ang babae. Her sweet smile melted his heart. He felt like he could do anything and everything for this girl.
"It's you!"
Ngumiti si Paul. "Hi!"
"What are you doing here? Don't tell me dito ka nagtatrabaho?"
Tumango siya, nakangiti pa rin.
"Kanina pa tayo nag-uusap... I'm Jasmine," pakilala nito.
"Paul."
Parang may spotlight na tumapat kay Jasmine nang ngumiti ito. Ang ganda-ganda talaga ng babae. She had a lovely heart-shaped face which was framed by long and silky brown hair. Her small brown eyes were full of expression. Her milky white skin looked so soft and smooth na natatakot siyang hawakan ito at baka masugatan niya. His eyes landed on her cherry-colored lips. Hindi siya mahilig sa cherry ngunit nang mga oras na iyon, gusto niyang pumunta sa kusina at gumawa ng napakasarap na dessert gamit ang cherry. Si Jasmine na ang pinakamagandang babaeng nakilala at nakausap buong buhay niya.
"Let me guess? DJ ka dito?" tanong nito.
Napakurap siya. "How did you know?"
"My bestfriend works here. Kilala mo si DJ Heart? She's my bestfriend. She's the reason why I'm here."
"Narinig ko na ang pangalan niya. Pero hindi ko pa siya nakikilala personally."
Tumango ito. "Anong oras ang radio program mo?"
"Three to five." Paul was surprised that words just slipped out of his mouth that eadily, na tila matagal na niya itong kilala.
"You mean ongoing ang program mo? Ano'ng ginagawa mo rito?"
"May kinuha lang ako sa kotse. Pabalik na ako sa booth ngayon."
"Sorry natagalan kang bumalik dahil sa akin..." Natigil si Jasmine sa pagsasalita nang biglang dumilim at tumigil sa pag-akyat ang elevator.
Narinig ni Paul ang pagtili ng dalaga. Kasunod niyon ay naramdaman niya ang malambot nitong katawan na bumunggo sa katawan niya. "Jas?"
"Ano'ng nangyari? Bakit bigla tayong tumigil?" takot na takot nitong tanong.
"Brownout siguro o may problema sa elevator. Don't worry, I'm sure maaayos din ito."
Naramdaman niya ang panginginig ni Jasmine. "Don't leave me, Paul. Promise me you won't leave me."
Hinawakan niya ang kamay ni Jasmine. Malamig ang mga iyon tanda ng matinding takot na nararamdaman. He gently massaged her soft hands. It felt so good to feel her hand.
"I'm not going anywhere. Nandito lang ako," paulit-ulit niyang pangako.
Naging sunod-sunod ang paghinga ni Jasmine nang malalim. Tuluyan na itong sumandal kay Paul na tila umaamot ng lakas mula sa kanya. Mula sa bahagyang liwanag ng emergency light, he noticed she was as pale as paper. Ang mga kamay at braso nito ay malamig din. Ginawa ni Paul ang sa tingin niya ay makakatulong sa dalaga. Ikinawit niya ang kaliwang kamay sa baywang nito. Gusto niyang maramdaman nito na hindi ito nag-iisa.
"I'm not usually like this. Believe me, hindi ko ugaling makipag-holding hands at yumakap sa stranger."
"I believe you." Naintindihan ni Paul. Kahit sinong babae ang nasa lugar nito ay matatakot oras na makulong sa elevator. May mga kilala pa nga siyang lalaki na kinakabahan tuwing sumasakay ng elevator. Ang iba sa kanila, pinipiling maghagdan na lang sa halip na sumakay ng elevator.
BINABASA MO ANG
Love On Air 3: Foolish Heart (Completed: Published by PHR, 2015)
Romance"Pangalan mo pa lang, kinikilig na ako. Paano pa kung magkaapelyido na tayo?" Jasmine had almost everything in her life, but it seemed that there was still something missing in her. Natuklasan lamang niya iyon when her path crossed with Paul's...