"DO YOU think magugustuhan ni Angel ang dala kong cake?"
Mula sa daan ay tumingin si Paul kay Jasmine na katabi niyang nakaupo sa harap ng kotse. Napakaganda ng dalaga sa suot na pink dress. Kulang na lang korona, puwede na itong tawaging prinsesa. On second thought, kahit walang korona ay mukha nang prinsesa ang nobya. Next to her, mukha siyang aliping sagigilid nito. Kasusundo lang niya kay Jasmine sa bahay nito. Sa bahay pa lang ay hindi na mapakali ang nobya. Pormal kasi niya itong dadalhin sa bahay at ipapakilala sa anak niya.
"Dumaan kaya tayo sa mall? Bili tayo ng isa pang cake?"
Tumigil ang sasakyan nila nang mag-red ang traffic light. Hinarap niya si Jasmine. "Don't worry, Jas, I'm sure magugustuhan ka ni Angel. Naalala mo noong huli mong punta sa Cinta's? Nalungkot si Angel nang hindi ka nag-stay nang matagal. Ilang beses ka rin niyang tinanong sa akin."
"What did she ask?"
"Tinanong niya kung kelan ka babalik. Kung mahilig ka sa bata. Kung puwede ka niyang makalaro. Mabilis ka lang niyang nakita pero nakuha mo agad ang loob niya."
Kanina bago umalis ng bahay, sinabi ni Paul sa kanyang anak na bibisita si Jasmine. Hindi na niya nakita ang reaksyon ni Angel dahil agad itong umakyat sa kuwarto nito upang maligo at magbihis. Kagabi pa siya kinakabahan. First time niyang magpapakilala ng girlfriend sa anak. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon nito.
Muli siyang napatingin kay Jasmine. Katulad niya, kinakabahan din ang nobya.
"Do you think she will like me? What if she hates me?"
Paul looked at her. Her eyes were full of uncertainty and panic. "It's impossible to hate you, Jas. Ang dali-dali mong mahalin." Hinawakan niya ang kamay nito at masuyong hinalikan. No one could hate Jasmine. Kahit ano pa ang gawin nito o kahit wala itong gawin, napakadali nitong magustuhan. He should know. Because in a short period of time, he could not help but like her. He liked her too much he felt like he could do anything and everything for her.
"Are you sure about this?" he asked again.
"I'm okay, Paul. Bakit pa natin patatagalin kung one of these days ay ipapakilala mo rin ako kay Angel? I already told you, tanggap ko si Angel bilang anak mo. I mean, future anak ko," she said and gave him a reassuring smile.
Kahit paano ay nakahinga nang maluwag si Paul. Tumaas pa lalo ang paghanga niya kay Jasmine. He had never been with a woman like her before. She was priceless.
"Are you sure mango cake ang favorite ni Angel?" tanong uli nito. "Sana pala nag-bake din ako ng chocolate cake. Everyone likes chocolate cake..."
Jasmine looked so cute and adorable, hindi napigilan ni Paul ang sarili. Lumapit siya at hinalikan niya ito sa kaliwang pisngi.
Natigil ito sa pagsasalita at gulat na napatingin sa kanya. "You kissed me!"
Napangiti siya. "Yes, I kissed you."
Masuyong hinampas ni Jasmine ang braso niya. "Nananantsing ka, ha? Por que busy ako, sinasamantala mo ang kahinaan ko."
Natawa si Paul. Napakadaling ngumiti at tumawa kapag ito ang kasama niya.
"Humanda ka babawi ako sa'yo," pabulong nitong sabi na narinig niya.
Para siyang kiniliti ng angel at natawa na naman. Bumalik siya sa pagda-drive nang mag-green ang traffic light.
"Malayo pa ba tayo?" tanong nito.
BINABASA MO ANG
Love On Air 3: Foolish Heart (Completed: Published by PHR, 2015)
Romance"Pangalan mo pa lang, kinikilig na ako. Paano pa kung magkaapelyido na tayo?" Jasmine had almost everything in her life, but it seemed that there was still something missing in her. Natuklasan lamang niya iyon when her path crossed with Paul's...