Chapter Nineteen

6.8K 161 33
                                    

NAKITA ni Paul si Jasmine na nakaupo sa tapat ng man-made lagoon ng garden kung saan ginanap ang kasal nina Gino at Zia. Katatapos lang niyang i-refill ang pagkain sa buffet table. Kaunti lang ang kasama niyang staff ng Cinta's na karamihan ay mga baguhan, kaya tumulong na rin siya sa pagse-serve ng pagkain. Kanina pa niya gustong kausapin si Jasmine pero naging abala siya sa reception. Ngayon lang siya nagkaroon ng oras na magpahinga. Agad niyang hinanap si Jasmine na biglang nawala sa table nito at ngayon ay tahimik na pinagmamasdan ang mga isda sa man-made lagoon.

Hindi muna siya lumapit. Sa halip, tahimik niya itong pinagmasdan mula sa malayo.

Jasmine looked as fresh as a flower bathed in morning dew. Hinahagkan ng sinag ng araw ang makinis at maputing balat ng dalaga, at lalo lamang niyong hina-highlight ang bawat perpektong anggulo ng maganda nitong mukha. Napakaganda nito sa suot na gown. Kahit basahan yata ang ipasuot sa dalaga, makakakuha pa rin ito ng pansin. It was not the clothes she wore. It was the way she smiled, walked, moved and laughed that made her beautiful.

Paul took a deep breath. He missed her. Parang isang bahagi niya ang nawala nang bigla itong umalis. Para na rin siyang tinanggalan ng oxygen sa katawan. And now after two weeks of absence, naramdaman niyang muli ang kung anong init sa dibdib nang muling makita si Jasmine. It was the same warmth he felt when he first saw her. It was the same warmth na naramdaman niya nang magsimula siyang magluto. And it was the same warmth when Angel was born.

Kung puwede lang, lalapitan niya si Jasmine at yayakapin nang mahigpit. Iyong klase ng yakap na wala nang hangin ang makakadaan sa pagitan nila. Gusto niya itong halikan nang halikan hanggang sa makalimutan nila ang mga pangalan nila. Pero alam niyang hindi puwede. At iyon ay isang bagay na lalong nakakasakit sa kanya.

Dahan-dahan siyang lumapit kay Jasmine. Mukhang naramdaman nito ang paglapit niya dahil napatingin ito sa kanya. Sumilay ang ngiti sa mga labi ng dalaga. Muntikan na siyang matapilok. That smile would give him a heart attack.

Umupo siya sa dulo ng bench kung saan nakaupo si Jasmine. Kahapon pa niya pinag-isipan ang mga sasabihin. He had thought about it carefully. Pero nang mga oras na iyon, tila tinangay ng hangin ang speech niya. Wala siyang maalala isa man sa kanyang sasabihin.

Huminga siya nang malalim bago tumingin kay Jasmine. "Kumusta?"

Ngumiti ito. "I'm good. Ikaw, kumusta? Parang pumayat ka yata?"

"Gusto ko sanang sabihin na busy ako sa trabaho kaya ako pumayat. Kaya lang hindi iyon ang totoong dahilan."

"Pinuntahan ako ni Monique noong isang araw. Ang dami niyang sinabi sa akin." Nang sumunod na sandali, sinabi ni Jasmine ang lahat ng sinabi ni Monique. Pareho silang natahimik pagkatapos nitong magkuwento.

Paul cleared his throat. "Tapos na ba talaga tayo, Jas? Wala ba akong magagawa para maging tayo ulit?"

Nanatiling tahimik ang dalaga. Nagsimulang maging tensyonado ang kanyang katawan.

"Sana tayo na lang ulit... Kasi, Jas, miss na miss na kita. I don't think I can last another day without you. Si Monique, parte na lang siya ng nakaraan ko. I don't love her anymore. Whatever we had was already dead long ago. Tapos na tapos na kami. Hindi ko lang siya maiwan dahil naaawa ako sa kanya. Pero hanggang doon lang 'yon. Hindi ko na sinabi sa'yo ang tungkol sa problema niya dahil ang akala ko hindi niyon maaapektuhan ang relasyon natin. Ayoko ring sabihin sa'yo dahil medyo sensitibo ang problema niya. Hindi ko alam kung tama bang i-share ko iyon sa'yo. I guess I was wrong. Dapat sa umpisa palang naging honest na ako sa'yo. I'm sorry." Humarap siya kay Jasmine at lumapit. "Please don't push me away, Jas. I can take anything else but not losing you. You're too important, too irreplaceable for me. Let's work this out, please. I want to be with you. I don't think I can bear it if you leave me again.

Love On Air 3: Foolish Heart (Completed: Published by PHR, 2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon