NAGTAKA si Paul nang hindi makita si Jasmine paglabas niya ng Cinta's. Nauna itong lumabas sa kanya dahil may tumawag sa cell phone nito. Tumagal din nang limang minuto bago siya nakalabas. May kumausap din kasi sa kanya na isa sa customer nila na naging kaibigan ng lolo niya noong nabubuhay pa ito.
Nilapitan niya ang guwardiya nila. "Jorge, nakita mo ba 'yong kasama kong dumating kanina?"
"'Yung magandang babae pong kasama ninyo, Sir? Ayun po siya," anito sabay turo sa may bandang kanan ng restaurant.
Muntik na siyang mapailing habang sinusundan ng tingin ang itinuro ng guwardiya. Seriously, lahat ng staff niya ay iyon ang sinabi sa kanya pag-alis ni Jasmine. Kahit ang seryosong si Tito Sandy ay tinutukso siya sa dalaga. She had that kind of charm that drew people to her effortlessly.
Hindi kalayuan sa restaurant, nakita niya si Jasmine na may kausap na bata. Hawak nito ang isang stick ng cotton candy at ibinigay sa bata. Niyakap ng bata si Jasmine bago nito tinanggap ang cotton candy. May isang babae ang lumapit at kinausap si Jasmine. Sa hula ni Paul, ito ang ina ng bata. Yumuko ang ina ng bata kay Jasmine na tila nagpapasalamat. Nakita niya ang batang babae na humalik sa pisngi ni Jasmine bago lumapit sa ina at sabay na naglakad ang dalawa palayo.
Napangiti si Paul sa nakita. He felt a strong surge of admiration for Jasmine. Mabilis niya itong nilapitan. "Hey!"
"Paul! Kanina ka pa diyan?"
"Sort of. Nakita ko 'yong batang binigyan mo ng cotton candy."
Masigla itong ngumiti na parang batang binigyan ng regalo. His chest smiled at her childlike expression. "That was Lily. Nakita ko siya kanina paglabas ko. Hinihintay niyang matapos magtrabaho ang mama niya. She looked so sad, naisip kong bigyan siya ng cotton candy."
"Do you like kids?"
"Sobra, only child kasi ako. Kaunti rin ang pinsan ko on both sides of the family. Gusto kong magkaroon ng kapatid pero hirap magbuntis si Mama. Gustuhin ko mang magkaroon ng kapatid, I wouldn't want to endanger my mother. I just wished they had adopted kids. Kung ako kasi, I will adopt kids and I will love them as my own." Ngumiti si Jasmine pagkatapos. "Pero ang kawalan ko ng kapatid, binawi ko naman sa kaibigan. Kahit paano, naging happy ang childhood days ko hanggang sa paglaki ko."
Paul felt a strong sense of respect and admiration for Jasmine. She was really a good person. Wala siyang makitang mali sa babae. Anyone would like her. He should know. Because try as he might, he could not help but like her. He realized, in just a short period of time, he already liked her. Mahirap na hindi ito magustuhan. Liking her was as easy and as natural as breathing.
Bumaba ang kanyang mga mata sa mga labi ni Jasmine. Bigla niyang naalala ang pinagsaluhan nilang halik sa elevator. He could still taste her sweet lips on his lips. Dahil sa naalala, tila naging makapal ang hangin at naging napakainit ng lugar.
He cleared his throat. "Jas, that afternoon... when I kissed you..." Kitang-kita niya ang biglang pamumula ng dalaga. "I'm sorry about what happened. I don't know what came over me. I know that saying sorry doesn't change anything but I really am sorry."
Natigil siya sa pagsasalita nang biglang hawakan ni Jasmine ang kamay niya. It felt so good to feel her hand. "It's okay, Paul. Alam ko kung bakit mo ginawa 'yon. I'm not saying it's no big deal but... basta okay tayo." Lumagpas ang tingin ni Jasmine sa kanya. "Nandito na si Kuya Jayson. 'Have to go. Thank you for cooking for me. See you!"
Mabilis na nakalapit si Jasmine sa sasakyan na hindi napansin ni Paul na nakaparada sa tapat ng restaurant. Kumaway muna ito sa kanya bago tuluyang pumasok ng kotse. Hindi niya napigilang sundan ng tingin ang sasakyan habang palayo. Habang pabalik sa restaurant, muli niyang nakita ang batang babaeng kausap ni Jasmine kanina. Nakangiti ito habang masayang kumakain ng cotton candy na bigay ni Jasmine.
BINABASA MO ANG
Love On Air 3: Foolish Heart (Completed: Published by PHR, 2015)
Romance"Pangalan mo pa lang, kinikilig na ako. Paano pa kung magkaapelyido na tayo?" Jasmine had almost everything in her life, but it seemed that there was still something missing in her. Natuklasan lamang niya iyon when her path crossed with Paul's...