Chapter Eleven

3.5K 89 5
                                    

"TITIGIL po kaya ang ulan?"

Paul was about to say something nang marinig nilang tumunog ang cell phone ni Jasmine. Kasalukuyan silang nasa living room at hinihintay ang pagtila ng ulan. Paalis sana silang papuntang Tagaytay para mamasyal at mag-picnic. Pero dahil sa biglang pagbagsak ng ulan, nag-decide sila na patilain muna ang ulan. Mahigit isang oras na pero patuloy pa rin ang malakas na ulan sa labas. Nakikita na ni Paul ang disappointment sa mukha ng anak. First time nitong magpi-picnic kaya ganoon na lang ang excitement nito. Mabuti na lang at naroon si Jasmine at pilit na pinasasaya ang anak.

"Excuse me," ani Jasmine.

"Is it your dad?" naitanong niya.

"No, it's Ryan." Gustong burahin ni Paul ang ngiti ng nobya sa mga labi nang sagutin nito ang tawag. "Hi, Ry! What's up?"

Nanigas ang kalamnan ni Paul habang pinanonood si Jasmine na kausapin si Ryan sa cell phone. Hindi maikakaila ang closeness ng dalawa base na rin sa hindi maalis-alis na ngiti sa mukha ng nobya.

"Papa, sino po si Tito Ryan?" tanong ni Angel.

"Friend siya ng Mama Jasmine mo."

"Akala ko po manliligaw. Kasi 'di po ba magiging mama ko si Mama Jasmine?"

"Oo, anak, magiging mama mo si Mama Jasmine," seryoso niyang sagot, na tila nakadepende roon ang buhay nilang mag-ama.

Muling bumalik ang tingin nito sa labas ng bintana.

Nalipat na uli ang atensyon ni Paul kay Jasmine na tuwang-tuwa sa kung anong sinabi ni Ryan. It took all of his willpower not to snatch the cell phone away from her.

"Let's meet one of these days, Ry. Marami akong ikukuwento sa'yo," masayang sabi ni Jasmine na ikinairita ni Paul.

Lalo siyang nairita nang bumungisngis ang nobya. Tinitigan niya nang masama ang cell phone nito. Kung nakamamatay ang titig, kanina pa nag-apoy ang cell phone ni Jasmine dahil sa kanya.

Maingat na humugot si Paul ng hangin upang pakalmahin ang sarili. He was never the jealous type. He did not think he had it in him. Pero mukhang nagkamali siya. Dahil sa unang pagkakataon sa buhay niya, mukhang nagseselos siya. At sa kaibigan pa niya!

"That's so sweet! Thank you, Ry!" Jasmine smiled as if talking to Ryan somehow lifted her spirits.

Mabait si Ryan, pero nang mga oras na iyon pakiramdam ni Paul ay ito na ang pinakamasamang lalaki sa buong mundo. Hindi ba nito alam na may boyfriend na si Jasmine? Mukhang may gusto pa ang lalaking iyon sa girlfriend niya. At pinopormahan pa nito ang kanyang girlfriend sa mismong harap niya!

Habang pinagmamasdan si Jasmine, he couldn't help but think of Ryan. The two had the same aura. They were two rich kids who had warm smiles with charming and endearing personalities. Sigurado rin siyang maraming pagkakapareho ang dalawa. They even looked perfect together. Naiinis na hinagod ni Paul ang buhok.

"See you soon, Ry." Nakahinga siya nang maluwag nang magpaalam si Jasmine sa kausap. Nagtaas ito ng tingin at mukhang nagulat sa nakita nito. "What's wrong?"

Hindi iyon sinagot ni Paul. Sa halip, sinagot niya ng tanong ang tanong nito. "What does he want?"

Ngumiti ito. Lalong sumama ang pakiramdam niya dahil doon. "He's just asking if I'm okay."

"Tumawag siya para lang kumustahin ka?"

"Yeah, what's wrong with that? Last time na nagkita kami, nasa hospital ako at bali ang balikat ko. Normal lang sa magkaibigan ang magkumustahan."

Love On Air 3: Foolish Heart (Completed: Published by PHR, 2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon