Chapter Sixteen

3.4K 72 13
                                    

"WHAT? May sasabihin ka pa?" nagtatakang tanong ni Jasmine kay Paul. Kanina pa niya napansin na tila may gustong sabihin sa kanya ang nobyo. Halos ayaw siya nitong paalisin sa tabi nito.

"I love you, Jasmine."

She began to cry. It was the words she had been longing to hear and thought he would never ever say.

"Gusto ko sanang sabihin iyon sa'yo over dinner with background music and flowers everywhere. Pero laging hindi natutuloy. Walang romantic na nagko-confess sa hospital, but what the heck! Bakit pa ako maghihintay at maghahanap ng magandang venue? Bakit ko pa palalagpasin ang moment na ito? I love you, Jasmine. I love you so much. I want you so much. I need you so much. Wala akong pakialam kung tama o mali ang grammar ko, pero gusto kong marinig mo ang mga iyon mula sa akin. I love you, Jasmine. Mahal na mahal kita."

Parang may malaking bato ang nawala sa balikat ni Jasmine. Parang biglang humiwalay ang puso niya sa kanyang katawan. Ganoon siya kasaya. Dahil mahal siya ni Paul...

Mahigpit siya nitong yakap habang patuloy siya sa pag-iyak. "I'm sorry, sweetheart. I didn't mean to upset you. I just want to-"

"No, huwag kang mag-sorry," putol niya sa sinasabi nito. "Masaya lang ako kaya naiiyak ako."

Lumayo si Paul sa kanya. "Mag-usap ulit tayo mamaya, okay?" Tumingin uli ito sa kama nang umungol si Monique. "Hintayin mo ako sa labas. Marami pa akong sasabihin sa'yo."

"Maghihintay ako."

Masuyo nitong pinahid ang pisngi niya. Ngumiti ito at binigyan siya ng mariing halik sa labi bago siya tuluyang pinakawalan.

Nakangiti siyang lumabas ng kuwarto. Para siyang lumilipad sa alapaap. Mahal siya ni Paul. Iyon na ang pinakamasayang araw sa buhay niya.

Paglabas ng hospital room, agad na nakita ni Jasmine si Angel na nakaupo sa isa sa nakahilerang upuan ng hospital. Nagtatakang nilapitan niya ang bata.

"What are you doing here, Angel? Bakit hindi ka pumasok sa loob? Sino'ng kasama mo?"

Napatingin si Angel sa kanya. Katulad noong nagkita sila sa restaurant, bahagya lang itong ngumiti sa kanya. "Kasama ko po si Lola. May kinuha siya sandali sa nurse station. Hindi po muna ako pumasok. Nakita ko po kasing nag-uusap kayo ni Papa."

Para sa isang bata, deretsong magsalita si Angel. May rule kasi ang ama nito, bawal itong i-baby talk. Mas makakatulong daw sa mental development ng bata kung kakausapin ito na parang matanda.

"Hindi mo kailangang maghintay dito. Puwede ka namang pumasok kahit nag-uusap kami."

Hindi sumagot si Angel, kaya lalong nagtaka si Jasmine. "May problema ba, Angel? Nag-aalala ka ba sa mama mo? Ang sabi ng papa mo, okay na raw siya. Magigising na siya anytime now."

"Gusto ko pong magkaroon ng mama. Pero ang sabi ni Mama, hindi raw mangyayari iyon hanggang girlfriend ka ni Papa." Hinawakan ng maliit nitong kamay ang kamay niya. "Tita, puwede pong iwan n'yo na si Papa para magkaroon na ako ng Mama?"

Nanigas siya. "Ayaw mo ba akong maging mama, Angel?"

Yumuko ito. "Gusto po. Pero mas gusto ko ang tunay kong mama."

Nag-init ang mga mata ni Jasmine.

"Do you love me, Tita Jasmine?" Napatingin siya kay Angel. "Kung mahal po ninyo ako, iiwan n'yo si Papa at hahayaan n'yong mabuo ang family namin. Please, Tita."

Pumikit si Jasmine at pinahid ang luhang dumaloy sa kanyang pisngi. Nang muli siyang magmulat, nakasalubong niya ang nakikiusap na tingin ng bata. It doubled the pain in her heart.

Love On Air 3: Foolish Heart (Completed: Published by PHR, 2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon