Chapter Twelve

3.1K 63 0
                                    

KARARATING lang ni Jasmine sa bahay nang magsimulang mag-ring ang cell phone niya. Agad niyang nakilala ang private line ng ama sa opisina nito. Mabilis niyang sinagot ang tawag. "Pa?"

"Jasmine, anak!"

"I'm home, Papa. Where are you? Bakit number sa office mo ang naka-register sa phone ko?"

"Office. Pinilit kong umuwi kahit bukas pa dapat ang flight ko."

"How's Hong Kong?"

"Hong Kong means work, anak. Hindi man lang kami nagkaroon ng time na mamasyal," reklamo nito. "Ano'ng nangyari sa boses mo? It sounds different?" nag-aalala nitong tanong.

"It's nothing, Pa. Medyo naiyak lang ako kanina."

"Uminom ka ng maraming tubig. At huwag kang magpupuyat. Matulog ka ngayon ng maaga."

Napangiti si Jasmine. Her father had always been sweet and thoughtful. Naaalala nito kahit ang maliliit na bagay basta may kinalaman sa kanya. Kahit gaano pa ito ka-busy sa trabaho, gumagawa ito ng paraan para tawagan siya at makausap.

"Sir, ito na po ang hinihingi n'yong files." Narinig niya ang boses ng assistant nito.

Malungkot siyang ngumiti. Sa halip na umuwi at magpahinga, nagtatrabaho pa rin ang kanyang ama.

"I miss you, Papa. Umuwi ka na. Ipagluluto kita ng favorite mong paella at chicken curry."

Sandali itong natahimik. "I miss you, too, anak. Pasensya ka na kung lagi akong wala. Pasensya ka na hindi kita nasamahan ngayon. I know you're sad..."

"It's okay, 'Pa. I understand," putol niya sa sinasabi nito. "Umuwi ka na at magpahinga. Bukas sabay nating dadalawin si Mama."

Narinig niya itong suminghot sa kabilang linya. Kung nami-miss niya ang ina, sigurado siyang doble niyon ang nararamdaman nito. "Uuwi na rin ako. May tatapusin lang ako sandali. Nasa bahay na ako bago matapos ang niluluto mo."

"See you, Papa. Ingat ka sa pag-uwi."

"Thanks. I love you, Dunkin."

"I love you, too, Pa."

Mabilis na nagpalit si Jasmine ng damit bago tumuloy sa kusina. Nang sumunod na sandali, naging abala siya sa paghahanda ng paboritong pagkain ng ama. Limang araw din niya itong hindi nakasalo sa pagkain. Tatlong araw kasi itong nasa Hong Kong. Bago iyon, gabi na umuuwi ang papa niya mula sa trabaho. Pinapauna na siya nitong kumain ng dinner. Sanay na siya pero minsan ay malungkot pa rin. Mabuti na lang at nakilala niya si Paul at ang pamilya nito. Nabawasan ang mga gabing kumakain siya nang mag-isa dahil madalas ang pamily ni Paul ang kasama niyang kumain.

She was setting the table nang may narinig siyang busina mula sa labas ng bahay. Mabilis niyang tinapos ang ginagawa at excited na lumabas ng bahay. Nakasalubong niya ang ama na papasok ng bahay.

Excited niya itong niyakap. "Papa!"

"Hindi mo naman ako na-miss ng lagay na 'yan," masuyo nitong sabi.

"No, kaunting miss lang."

Natawa ito.

Sa gilid ng mga mata, nakita ni Jasmine ang isa sa mga kasambahay nila na pinapasok ang gamit ng ama mula sa kotse nito.

Humiwalay siya. "Tamang-tama ang dating mo, Papa. Ready na ang table."

"Good, let's eat."

Love On Air 3: Foolish Heart (Completed: Published by PHR, 2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon