Chapter Four

4.3K 85 0
                                    

NATIGIL si Jasmine sa paglalakad nang marating ang tapat ng radio booth. Salamin ang kabuuan ng booth kaya naman kitang-kita niya ang DJ na nasa loob na may suot na earphones at kasalukuyang nagsasalita sa harap ng microphone.

She almost had everything in life. Ang sabi nga ng kanyang mga kaibigan, sabihin lang niya sa ama ang kanyang kailangan, agad din nitong ibibigay sa kanya. Name it and she would have it. Pero katulad ng iba, kahit mayroon na ang lahat sa isang tao ay may hinahanap pa rin siya. Nang makilala niya si Paul, parang isang bahagi niya ang kanyang natagpuan. She was inexplicably drawn to him. It was like a piece of her was connected with him.

Nakita ni Jasmine na ngumiti si Paul habang nagsasalita sa microphone. He was so handsome it was almost painful to look at him. For unknown reason, she found herself smiling.

"Jas?"

Napilitan siyang ialis ang tingin kay Paul. Nakita niya si Zia na nakatayo sa kanyang tabi. Hindi niya napansin ang paglapit ng babae. "Hi, Zia!"

Tumingin ito sa loob ng booth saka bumalik sa kanya. "What are you doing here? Mamaya pa darating si Jammy."

"I'm here for Paul."

Nanlaki ang mga mata nito. "Si Paul?"

Ngumiti siya.

Tinitigan siya ni Zia. "Okay, I think I already know," anito saka tumingin kay Paul na abala pa rin sa pagsasalita sa harap ng microphone. "Alam mo bang gusto kita para sa kapatid ko? Sa tingin ko, bagay kayo ni Kuya Ryan. Do you really like Paul, Jas? Hindi ba puwedeng si Kuya na lang?"

"Alam mo bang crush ko si Ryan noong high school kami? Halos kalahati yata ng female population noon sa school ay may crush sa kapatid mo. Para siyang Prince Charming sa mga fairy tale. Everyone would fall for that kind of guy." Tumingin siya kay Zia. "But I'm sorry, Zia, I may like your brother pero hanggang doon lang 'yon. Si Paul... hmm... iba siya. I really like him."

Muling bumalik ang tingin ni Jasmine kay Paul. He was now looking at her. Dalawa sila ni Zia na nakatayo sa labas ng booth ngunit sa kanya lang ito ngumiti. Sa kanya lang. Hindi lahat ng guwapo ay may winning smile. Iyong ngiti na matutunaw ka na lang na parang ice cream at gusto mong i-take home ang taong iyon na nakangiti sa'yo. Paul had that kind of smile. She swore her heart just melted.

"By the looks of it, mukhang may pag-asa ka. Good luck, Jas. Kung kailangan mo ng kausap, palaging bukas ang opisina ko."

"Thanks, Zi."

"You can always change your mind about my brother."

Natawa si Jasmine. Ipipilit pa rin talaga ni Zia si Ryan sa kanya.

Bumukas ang booth at sumilip si Paul mula sa loob. "Hi, Jas!" Ngumiti ito. He could make a woman feel special just by looking at her.

"Hi, Paul!"

His eyes smiled when she said his name, na tila ba nagustuhan nito ang tunog ng pangalan nito mula sa kanyang bibig.

Zia rolled her eyes. "Nandito rin ako, Paul. Batiin mo rin ako kahit kaunti."

Napakamot sa ulo si Paul. "Sorry, Zi."

"Maiwan ko na nga kayo. Mukha namang istorbo lang ako dito." Naiiling na bumalik si Zia sa opisina nito.

"Halika pasok ka sa loob," yaya sa kanya ni Paul, niluwagan ang pinto para sa kanya.

"Is it okay? Ang sabi kasi sa akin sa 'baba, hindi mo raw gusto ng bisita."

Love On Air 3: Foolish Heart (Completed: Published by PHR, 2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon