"BAKIT hindi mo sinabi sa akin? Na kayo ang may-ari ng Landrace?"
Natigilan si Jasmine sa tanong na iyon ng nobyo.
Espesyal si Paul sa lahat ng lalaking nakilala niya. May kung anong mahika itong taglay at gusto niyang palaging mapalapit dito. It was like a piece of her was connected to him. May mga nanliligaw rin naman sa kanya, pero hindi siya naapektuhan sa mga ito katulad ng epekto sa kanya ni Paul.
Now she had her chance. She would grab every chance of being with him and cherished every moment of them being together. "Does it matter?"
Huminga nang malalim si Paul. Naramdaman ni Jasmine ang tensyon na lumalabas mula sa nobyo. "Alam ko na mayaman kayo pero hindi ko alam na gano'n kayo kayaman. Ang balita ko ay mayroon kayong forty poultry houses sa Pampanga at Batangas. Halos lahat ng cities sa Metro Manila ay mayroon kayong meat shop. Alam mo bang lahat ng meat na ginagamit namin sa Cinta's ay sa inyo namin kinukuha? Bakit hindi mo sinabi, Jas?"
"Exaggerated naman 'yong forty. Thirty poultry houses lang ang meron kami. At sa Pampanga lang, hindi kasama ang Batangas," pagtatama niya. "Ayoko lang na iwasan mo ako dahil doon. Hindi ko rin habit na ipagsabi ang tungkol doon. As much as possible, nagpapaka-low profile ako. Dahil ayoko ng spotlight. I don't like being the center of attention. Hindi ako lumaking mayaman, Paul. Kung anuman ang meron kami ngayon, pinaghirapan 'yun ni Papa na makuha. Dahil ayaw niyang mangyari ang nangyari noon sa mama ko."
Nang sumunod na sandali ay nagkuwento si Jasmine kay Paul. Ikinuwento niya ang naging buhay ng kanyang ama bilang kargador sa palengke bago ito naging presidente ng isang kompanya. Siguro imposible iyon para sa ibang tao, pero hindi sa kanyang ama dahil napakasipag nito. Literal na kayod-kalabaw ang ginawa ng kanyang ama upang mabigyan siya ng magandang buhay. Pangako iyon ng kanyang ama sa yumao niyang ina noong araw ng libing nito.
"Walang imposible sa taong masikap at masipag. Iyon si Papa. Kaya naman mula sa maliit na piggery sa likuran ng bahay namin, lumaki iyon overtime at nabuo ang Landrace. It was not a walk in the park though. Maraming birthdays ko, holidays, at special occasions ang wala si Papa para magtrabaho. Hindi rin siya nakaka-attend ng PTA meetings at recognition days ko sa school dahil kailangan siya ng mga alaga niya. Minsan pakiramdam ko ang dami kong kahati sa atensyon niya. But at the end of the day, kapag tapos na siya sa lahat ng responsibilidad niya, pupunta siya sa kuwarto ko at yayakapin niya ako sabay sasabihing 'sorry'. Nawawala na ang tampo ko kasi alam ko na para din sa akin lahat ng ginagawa niya."
"You have a great father."
"My parents, they taught me to cherish everything I have. And in order to have something, I have to earn it first. Lately lang naging maluwag sa akin si Papa pag-graduate ko sa CCA."
Kinuwento rin ni Jasmine kay Paul kung paanong kailangan niyang makakuha ng mataas na grades noong high school para makuha ang wish na magkaroon ng piano. Kinailangan din niyang mag-ipon ng pera mula sa kanyang allowance na kalaunan ay dinagdagan ng papa niya para makabili ng cell phone. Isang buwan din siyang nag-commute mula sa bahay papunta sa university para magkaroon ng sariling kotse. Para makapunta sa Japan pagka-graduate ay kinailangan niyang mag-OJT sa Landrace sa loob ng dalawang buwan. At nitong huli, upang makapasok sa CCA ay hiniling ng kanyang ama na siya ang maging cook sa bahay nila sa loob ng isang buwan.
"Ginawa mo lahat ng 'yon?" manghang tanong ng binata.
"Contrary to what people think, hindi kami nanggaling sa mayamang pamilya. Dating nagtitinda sa palengke ang mama ko, si Papa naman kargador. Simpleng bata lang din ako dati. Ang turo sa akin ni Mama, masarap makuha ang isang bagay na pinaghirapan mo kaysa ibinigay lang sa'yo."
BINABASA MO ANG
Love On Air 3: Foolish Heart (Completed: Published by PHR, 2015)
Romance"Pangalan mo pa lang, kinikilig na ako. Paano pa kung magkaapelyido na tayo?" Jasmine had almost everything in her life, but it seemed that there was still something missing in her. Natuklasan lamang niya iyon when her path crossed with Paul's...