"BE NICE to them please, Papa..."
Hindi nakaligtas sa pandinig ni Paul ang pakiusap na iyon ni Jasmine sa ama habang palapit siya sa table ng mga ito. Isang bahagi ng restaurant ang hindi muna niya ipinagamit para sa dinner nila. Kalalabas lang niya ng kusina bitbit ang isang malaking tray. Kasunod niya ang dalawa pang waiter dala ang pagkain na niluto niya para sa dinner nila.
"I will do my best," narinig niyang pormal na sagot ng ama ni Jasmine.
Mukhang naramdaman ng kanyang nobya ang paglapit niya dahil napatingin ito sa kanya. Her face lit up. Tila lumiwanag ang buong restaurant dahil sa ngiti nito.
"Hi!" Tumayo si Jasmine at hinalikan siya sa pisngi.
Nabawasan ang kaba niya dahil sa ginawa nito.
"Papa, I'd like you to meet my boyfriend Paul. Paul, meet my father Ivan Joseph Belza."
"Good evening, Sir. It's nice to meet you po."
Tiningnan siya nito, saka tumango.
"Kanina pa kayo? Sorry, may tinapos lang ako sa kusina."
"It's okay. 'Sabi ko nga kay Papa, busy ka sa kusina. Kahit marami kayo rito, hands-on ka sa lahat. At saka ang luto mo ang binabalik-balikan dito," proud na kuwento ni Jasmine.
Napangiti si Paul. Para itong proud na nanay na ikinukuwento ang anak sa kumare nito.
"Sir?"
Napatingin siya sa waiter nilang si Celso, kasunod si Jeff. Hawak ng dalawa ang pagkain nila.
Tinulungan ni Paul ang dalawang waiter na i-serve ang mga pagkain. Umalis din agad ang dalawa pagkatapos mai-serve ang pagkain nila.
Umupo siya sa tabi ni Jasmine katapat ng kinauupuan ng ama nito. Hindi niya maiwasang titigan ang kaharap. Katulad ni Jasmine, he looked so out-of-place, too sophisticated for that place. Mas bagay itong kumain sa isang high-end restaurant kasama ang mga kilalang tao sa bansa.
"Let's eat!" basag ni Jasmine sa katahimikan. Sa kanilang tatlo, ang nobya lang ang masaya at walang tensiyon sa katawan. Nilagyan nito ng pagkain ang plato ng ama nito at plato niya bago ito kumuha ng para sa sarili. "Tikman mo ang paella at chicken curry, Papa. Si Paul ang nagluto nito."
"Ikaw ang nagluto ng lahat ng ito?" tanong ng ama ni Jasmine, sabay tingin sa lahat ng nakahain sa table.
"Yes, Sir."
"Actually, 'Pa, bukod sa sila ang may-ari, si Paul din ang head chef dito. Naging assistant head chef din siya sa isang hotel sa Cebu. Nag-stay na tayo doon two years ago. Two days nga lang. Kung nagtagal siguro tayo noon, baka na-meet ko siya sa Cebu." Sinabi ni Jasmine ang pangalan ng hotel na dating pinagtrabahuhan ni Paul.
"Are you related to the owner of this restaurant? I believe his name is Mario... Mario Mallari," tanong ng ama ng nobya.
"Yes, Sir, lolo ko po siya."
Natigilan ito.
"What's wrong, Papa? Do you know his grandfather?"
"Mama!"
Natigil ang planong pagsagot ng matandang lalaki nang mula sa kung saan ay sumulpot si Angel at niyakap sa leeg si Jasmine.
"Angel, hindi ka puwede rito. Bumalik ka na sa office ng Papa mo. Doon mo na lang siya hintayin," sita ng ina ni Paul na nakasunod sa apo.
BINABASA MO ANG
Love On Air 3: Foolish Heart (Completed: Published by PHR, 2015)
Romance"Pangalan mo pa lang, kinikilig na ako. Paano pa kung magkaapelyido na tayo?" Jasmine had almost everything in her life, but it seemed that there was still something missing in her. Natuklasan lamang niya iyon when her path crossed with Paul's...