Chapter Six

3.7K 91 5
                                    

"MA'AM JASMINE, may bisita ka."

Natigil si Jasmine sa paglalaro ng mga paa sa swimming pool nang marinig ang sinabi ng kasambahay nilang si Tina. Nagulat siya nang makita si Paul na nakatayo hindi kalayuan sa kanya.

"Thanks, Tina. Pakidala na lang kami ng juice, please."

Binalot sila ng katahimikan sa pag-alis ng kasambahay. Sa gilid ng mga mata, nakita niya si Paul na tuwid na tuwid na nakatayo. Mabilis niya itong sinulyapan. He was standing at the edge of the pool near her. His jaw was clenched so hard she was afraid he would break it. She took a deep breath.

"Have a seat."

"Thanks."

Umupo si Paul sa tabi niya sa gilid ng swimming pool. Parang lumiit ang espasyo ng swimming pool kaya napilitan siyang umusog palayo. Nahuli niya ang sakit sa mukha ng binata na tila nasaktan sa paglayo niya.

"Sorry, I need to do that. I can't think properly when you're near."

Tumango ito. "Thank you sa apron."

It was Jasmine's turn to nod. She stared at him. Napakaguwapo pa rin ni Paul, but she could see the tension in his stiff shoulders and back. Hindi ito ganoon dati. Siguradong siya ang dahilan niyon.

"'Yung tungkol doon sa nalaman mo..."

"I like you, Paul," she said cutting him off. Sinabi na niya bago pa siya mawalan ng lakas ng loob. There was no point in denying it to her self. She really liked Paul. She liked his voice, his smile, his laugh, and his thoughtfulness. He also liked how hard he worked. Kahit ano pa ang nalaman, gusto pa rin niya ang binata.

Natigilan si Paul sa kanyang tabi.

Sinamantala niya iyon, nagpatuloy siya. "I know you don't feel the same way. Malaki na ako. I can handle it. Gusto ko lang malaman... may... may plano ka bang sabihin sa 'kin ang tungkol sa anak mo?"

"Yes," pag-amin nito. "Plano kong sabihin sa'yo ang tungkol sa anak ko. Nakakalimutan ko lang. You're special, Jasmine. Ang daling kalimutan ng lahat kapag ikaw ang kasama ko. It feels so good whenever I'm with you. But I swear, plano kong sabihin sa'yo ang tungkol kay Angel. Naunahan lang talaga ako ng pagkakataon."

She cleared her throat. "Are you married?"

"No."

Nakahinga siya nang maluwag. At least wala itong asawa. "Paul, I..."

"I don't like you, Jas." Ang lalaki naman ang pumutol sa sinasabi niya.

Pakiramdam ni Jasmine ay na-drain ang kanyang dugo sa buong katawan. Daig pa niya ang pinagsarhan ng pinto sa mukha. Mas masakit pa ang narinig niya ngayon kay Paul kaysa noong araw na nalaman niyang may anak na ito. Para nitong hinawakan ang isang sugat na hindi pa tuluyang gumagaling.

Napatingin siya sa binata. Mabilis itong nag-iwas ng tingin. Marahas nitong sinuklay ang kamay sa buhok na tila kumukuha ng lakas mula roon. "I don't like you, Jasmine. We are too different. Paano ko gugustuhin ang isang babaeng malayong-malayo sa akin?

"You're rich, beautiful, kind and single." Napakadiin ng pagkakasabi nito sa huling salita. "Nakatira ka sa napakalaking bahay na may swimming pool. May driver na naghahatid at nagsusundo sa'yo kahit saan ka magpunta. Nasa sa'yo na ang lahat. You have the whole world in your hands. Isang kumpas mo lang sa kamay mo, makukuha mo na ang gusto mo." Tumigil si Paul saka ngumiti nang mapait. "Ako? Ano ang maipagmamalaki ko sa'yo? Hindi ako mayaman. Nakatira ako sa simpleng bahay na wala pang kalahati sa bahay mo. Wala kaming swimming pool, pero batya meron kami. May anak na rin ako. Nakikita mo ba kung gaano tayo naiiba? Para kang Luzon at ako ang Mindanao. Kahit habang-buhay akong magtrabaho, hindi kita kayang pantayan. Ano sa tingin mo ang sasabihin ng mga kaibigan mo kapag nalaman nila na nakikipaglapit ka sa akin?"

Love On Air 3: Foolish Heart (Completed: Published by PHR, 2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon