Chapter Seven

3.8K 97 5
                                    

"JASMINE."

Tumigil siya sa pagtakbo nang may marinig na tumawag sa kanya. Napangiti siya nang makita si Ryan ilang metro mula sa kanya. Katulad niya, nakasuot din ito ng jogging pants at rubber shoes.

Nakangiti nitong tinawid ang distansya nila. "Hi!"

Sumaludo siya sa harap nito. "Good morning, Sir."

Natawa si Ryan. "Hanggang ngayon ginagawa mo pa rin 'yan."

"Force of habit. One year kong ginawa 'yan noong high school tayo." Noong high school, pumasok si Jasmine na isang COCC at isa si Ryan sa mga CAT officers nila noon.

"Kanina ka pa tumatakbo?"

"Fifteen minutes na. Ikaw?"

"Thirty minutes. Tara pahinga muna tayo," yaya nito sabay turo sa isang bench.

"Walang nabanggit sa akin si Zia na uuwi ka?" tanong niya sa binata pagkaupo nila.

Lihim niyang pinagmasdan si Ryan sa kanyang tabi. High school pa lang sila ay guwapo na ito. Isa ang lalaki sa mga 'crush ng bayan' sa school nila. Bukod kasi sa guwapo, mabait din si Ryan; matalino, masipag, at palakaibigan. Palagi itong may nakahandang ngiti para sa lahat. Isa rin ang binata sa mga naging backer niya noong nag-COCC si Jasmine. Hindi siya masyadong pinahirapan ng mga officers noon dahil alam ng mga ito na backer niya si Ryan. Naging crush din niya si Ryan noon. Hindi nga lang lumalim dahil naging magkaibigan sila.

"Hinatid ko lang si Mama. Nami-miss na daw niya ang hangin dito. Luluwas rin ako bukas. Ikaw, kailan ka pa rito?"

Pitong buwan din na hindi nakauwi si Jasmine ng Pampanga. Naging busy kasi siya noong pumasok siya sa CCA. "Kagabi lang. Nagpaalam si Papa na uuwi para bisitahin ang farm. Naisip kong sumama sa kanya."

Kararating lang niya kagabi sa bahay mula sa pagbisita kay Jammy nang maabutan niya ang kanyang ama sa sala. Hinintay talaga nito ang pagdating niya upang ipaalam ang pag-uwi nito sa Pampanga. May kailangan daw itong asikasuhin sa farm nila. Matagal nang nabili ng kanyang ama ang mga katabing lupain na nakapalibot sa lupain nila para sa piggery nila. Naisip niyang sumama sa ama na umuwi ng Pampanga. Pagkatapos ng lahat ng nangyari, gusto muna niyang lumayo at makasagap ng ibang hangin.

Nahuli ni Jasmine si Ryan na nakatingin sa kanya. He looked at her as if he was reading her. "You look different. Parang may nagbago sa'yo?"

Napangiti siya. "Matagal mo lang akong hindi nakita. Ano namang magbabago sa akin?"

"You look sad. Dati kasi tuwing ngumingiti ka, buong mukha mo ngumingiti rin. Problem?"

"At paano mo naman nakita 'yon, ha?"

"Let's just say na observant akong tao. Walang nakakalusot na detalye sa mga mata ko."

"Do you still carve?"

"Yes. And don't change the topic. Ikaw ang nasa hot seat, hindi ako."

Tuluyan nang nabura ang ngiti niya.

"If you need someone to talk to, I'm a good listener. Hindi ako magaling na adviser but I can always try."

Ngayon lang na-realize ni Jasmine na kailangang-kailangan niya ng makakausap. She opened her mouth and she found herself talking. Natagpuan niya ang sariling nagkukuwento kay Ryan. Ilang araw din niyang itinago sa sarili ang lahat ng nararamdaman. Kaya siguro ang bigat-bigat ng pakiramdam niya. Tahimik lang na nakinig si Ryan. Sa pagkukuwento niya, parang natanggal lahat ng bigat na nasa kanyang balikat. Pakiramdam niya ay nakahanap siya ng kakampi sa katauhan ni Ryan.

Love On Air 3: Foolish Heart (Completed: Published by PHR, 2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon