Chapter Seventeen

3.6K 74 8
                                    

NANLULUMONG lumabas ng opisina ni Ryan si Paul. Katulad ng kapatid nito na si Zia, wala ring alam si Ryan kung nasaan si Jasmine. Kung sakali daw na tatawag si Jasmine, agad nitong ipapaalam sa kanya.

Kapapasok lang niya sa kotse niya nang tumunog ang kanyang cell phone. Ganoon na lang ang pagbilis ng tibok ng puso niya nang mabasa ang pangalan ni Jasmine. Mabilis niya iyong sinagot. "Jas, sweetheart?"

"Hi, Paul," pormal ang pagkakasabi nito ng pangalan niya.

Sa halip na kumalma, lalong natakot si Paul at nalungkot. Wala na ang saya, init, at excitement sa boses ni Jasmine tuwing kausap siya. Parang ordinaryong kakilala na lang siya sa buhay nito. The boundaries she was setting was painfully clear. Hindi niya iyon matanggap. It was as if his insides were being tied into knots.

"Where are you, sweetheart? Let's talk, please."

"I'm sorry, Paul, but I don't want to talk right now. I assume natanggap mo na ang envelope?"

Mahigpit niyang hinawakan ang cell phone. "We're not breaking up, Jas. Kahit ilang sulat pa ang ipadala mo sa akin, wala akong tatanggapin kahit isa sa mga iyon. We are never breaking up, okay?"

"Bakit hindi puwedeng ako na lang? Bakit kasi ang tagal kong dumating sa buhay mo? Bakit hindi na lang ako ang una mong nakilala?" The way she calmly said those words made his whole body tremble.

"Jasmine, please... tell me where you are. Pupuntahan kita. We really need to talk."

"Let's break up, Paul."

"Jasmine, please... I can't..."

"Gawin natin para kay Angel. I want to make her happy. I want to give her the family that she wants."

"Paano ako? Paano tayo? Paano ang happiness natin? Wala na kami ni Monique, Jas. Ikaw ang gusto ko. Ikaw ang mahal ko."

"I don't want to continue, Paul."

Mariin siyang umiling. Tila ba lahat ng masamang panaginip niya ay nagkatotoo. "Don't say that. Sinasabi mo lang 'yan para makipag-break sa akin," giit niya.

"You still love her, Paul. Nakita ko kung paano ka mag-alala sa kanya. Hindi mo siya maiwan kahit ilang oras lang. Kahit hindi maganda ang past ninyo, inalagaan mo pa rin siya. You still care about her, Paul. Nakita ko 'yon noong pumunta ako ng hospital. Tama lang ang ginawa kong pag-alis. Dahil kahit anong gawin ko, outsider pa rin ako sa inyong tatlo."

"Jas..."

"I genuinely wish everything would be okay. Pagkatapos ng lahat, you deserve to be happy."

May narinig si Paul na tunog ng eroplano sa background ni Jasmine. Eroplano? Kung ganoon nasa airport si Jasmine? Ano'ng ginagawa nito sa airport? "Don't leave me, Jas. May dahilan kung bakit hindi ko maiwan si Monique. Hindi iyon tulad ng iniisip mo. I don't love her anymore. How can I do that kung ibinigay ko na sa'yo ang puso ko? Aayusin ko ang problema kina Monique at Angel. I'm going to figure out a way to help Monique nang hindi tayo nagugulo. Let me be with you, sweetheart. I love you. I really love you."

"Let's go, Jasmine. Maiiwan na tayo."

Narinig ni Paul ang boses ng ama ni Jasmine sa kabilang linya. Mahigpit niyang nahawakan ang cell phone. Hindi dapat umalis ang nobya nang hindi siya kasama.

"Sige, Paul, I have to go na," malungkot nitong paalam.

"No, Jas! Don't go! Please... mahal kita."

Love On Air 3: Foolish Heart (Completed: Published by PHR, 2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon