"ACCORDING to study, your diet should be high in fiber to lessen your chanceS of getting colon cancer."
Napangiti si Jasmine. "Knock, knock."
Mula sa binabasa, tumingin si Paul sa kanya. Sa nakalipas na mga araw, ilang beses na siyang nag-seat in sa program ni Paul. Nag-e-enjoy siya tuwing pinapanood niya ang boyfriend on-air. Nitong huli, naging hobby na ni Paul na hilahin siya sa gitna ng program nito. Mukhang wala namang problema sa listeners nito. Base sa mga feedback na nare-receive nila sa official Web site ng radio station, inaabangan pa ng mga listener ni Paul ang bigla niyang pagsulpot sa program nito. Sa katunayan, tinatawag na silang 'hottest love team' sa radio. Nagte-trending sila sa tawag na 'Mr. and Mrs. Cook' na kinakikiligan niya.
Isang buwan na sila ng nobyo at hanggang ngayon ay kinikilig pa rin si Jasmine. Dapat daw ay sanay na siya. Pero ganoon pa rin ang epekto nito sa kanya. Lalo pa nga siyang napapalapit at napapamahal dito sa paglipas ng araw.
"Who's there?" nakangiti nitong tanong.
"Colon."
"Colon who?"
Tumikhim siya. "'Cause all of me, loves all of you. Love your curves and all your edges, all your perfect imperfections. Give your all to me, I'll give my all to you. You're my end and my beginning. Even when I lose I'm winning. 'Cause I give you colon of me and you give me colon of you..."
Natawa si Paul. Napangiti si Jasmine habang pinagmamasdan itong tumawa. Matagal na niyang alam na hindi siya nakakatawa. Sometimes she found her jokes boring and lame. But in his company, she felt like she really had an awesome sense of humor. Either natutuwa talaga si Paul sa kanya o natutuwa ito sa kung paano niya i-deliver ang mga jokes niya.
Narinig niyang tumunog ang laptop sa harap niya. Habang sila ang DJ na nasa booth, sila rin ang in-charge sa pag-a-update ng Web site nila. Puwede silang mag-post ng picture, status, invite, trivia, at tanong depende sa maiisip nilang flow ng program. May apat na notification silang natanggap through Facebook. Napangiti siya nang mabasa ang isa sa mga ipinost ng listener nila.
"What's funny?" nakangiting tanong ni Paul.
Sinagot niya ang nobyo by reading the post that she read. "Hi DJ Cook, may kanta ka ba para kay Mrs. Cook? That's from Charmberly Gumapo of Bulacan City."
"Thank you, Charmberly, To answer your question, yes, may kanta ako para sa aking Mrs. Cook." Nagulat siya nang biglang tumayo si Paul. Naglakad ito papunta sa puwesto ni Andrew at pagbalik ay may dala nang gitara. "My next song is for Jasmine Belza."
Kasabay ng pagtipa ni Paul ng gitara ay nagsimula ring bumilis ang tibok ng puso ni Jasmine. Seriously, haharanahin siya nito sa radio?
Bilang sagot ay nagsimula itong kumanta. "I'm saying sorry in advance, 'cause this won't always go to plan. Though we don't mean to take our love for granted. It's in our nature to forget what matters. When the going is getting tough and we're all about giving up. Things that we never thought we'd gonna say, gonna say them. Things that we never thought we'd play, gonna play them..."
Sigurado si Jasmine na hindi lang siya ang tulala nang mga oras na iyon habang pinapakinggan si Paul na kumanta sa radio. Nai-imagine niya ang mga listener nila na tulala rin sa harap ng radio habang pinakikinggan ang malamyos nitong tinig. Paul's voice was like tiramisu cake, lalong tumatamis at sumasarap habang kinakain. Ang sabi nila, too much sugar is bad for your health. Pero kung ganito katamis ang sugar, wala siyang pakialam kahit magka-diabetes pa siya.
BINABASA MO ANG
Love On Air 3: Foolish Heart (Completed: Published by PHR, 2015)
Romance"Pangalan mo pa lang, kinikilig na ako. Paano pa kung magkaapelyido na tayo?" Jasmine had almost everything in her life, but it seemed that there was still something missing in her. Natuklasan lamang niya iyon when her path crossed with Paul's...