PROLOGUE
"The more you hate the more you love"
Yan ang madalas nating marirnig pag may kaaway tayong opposite sex natin. Kung minsan pinagtataasan pa natin ng kilay ang nagsabi nun pero hindi mo ba naisip. "BAKIT BA LAGI KAYONG NAGTATALO?" Simpleng bagay lang, away na agad.
Hindi mo ba naisip na "BAKIT SA KANYA LANG MAINIT ANG DUGO MO?"(ANONG KINALAMAN NG SENTENCE SA TAAS??)
Teka, pati ako naguluhan ahh. Ah basta, kunyari may pagkakarelate sila.
Oi, tandaan mo,
DYAN NAGSIMULA ANG LOLO'T LOLA KO (^----^)Bakit hindi mo subukang pakisamahan yung taong yun? Baka may mabigat na dahilan kung bakit lagi kayong nagtatalo sa mga ideya ng isat-isa at kung bakit ganoon ang ugali nya. Wala namang mawawala sayo, hindi ba?
DONT BE SO RUDE.
Tandaan mo ang GOLDEN RULE,
"DO UNTO OTHERS, WHAT YOU WANT OTHERS TO DO UNTO YOU"
Sa tagalog, "WAG KANG MAGING MASAMA!"
Hindi, joke lang. Ito talaga yun,
"GAWIN NYO SA IBA ANG NAIS NINYONG GAWIN NG IBA SA INYO."
O sya napahaba na. Start na ko.
HOPE YOU LIKE IT :))
◈◈◈◈
Entry#1 - Kaldero"Oo na. Gigising na ako!"
Hay, naku, buhay nga naman parang life!
Araw-araw na lang ganito.
Arghhh.
Bakit ba hindi muna ako nag-isip ng pwede kong kaharapin bago ako umalis sa amin?
Huhuhu, naghihirap tuloy ako.OO.
Naglayas ako sa amin.
Hindi dahil sa nakasamaan ko ng loob ang pamilya ko o nakipagtanan ako.
Ano ito? PBB TEENS? Hug, hug, kiss,kiss?
Gusto ko lang talaga na mag-aral dito. Tingin ko kasi mas may opportunity dito kaysa sa lugar namin.
Noon, ayaw pa pumayag ng pamilya ko kasi nga daw bata pa daw ako tapos baka daw mapahamak pa ko pero ito sabi ko sa kanila.
"Mom, hindi sa lahat ng pagkakataon e nakasandal ako sa inyo. Isa pa dalaga na po ako. Hindi na po ako yung baby girl nyo na kapag nadapa ay iiyak at magsusumbong sa inyo at saka ilang buwan na lang e graduate na ko sa highschool."
Umiyak yung Mommy ko nun, nag-EMO pa nga e at kung anu-ano pa pinagsasabi na kesyo hindi ko na daw sila kailangan, na wala na daw silang baby girl, etc. Kakaloka! Basta , kung anu-ano yun e.
At saka hindi naman ako mapapahamak dito e. Ano pa't nag-aral ako ng self-defense kung hindi ko naman magagamit? Diba?
Balik tayo sa pagtunog ng orasan.
"Nakakainis talaga oh! Hindi man lang makisama. Antok pa ako ee. Oo na! Ito na nga e. Tatayo na oh!!"
Haaaay, nasisiraan na ata ako ng bait at pati orasan kinagagalitan at kinakausap ko na.
BINABASA MO ANG
Phantom's Tutor (My Lovely Fiancee) (Slow update)
Teen FictionPangit ako sa mata ng napakaraming tao. Pero sa iilan, ako ay Dyosa. Ako nga pala si Alex. Ang manggugulo ng buhay karangyaan ni JJ. #LABYAH :)