Prologue

1.4K 46 7
                                    

"I love----" It was the perfect time for him. Wala ng sagabal, wala ng pwedeng maging istorbo. Sila lang dalawa ang ang naiwan. Wala ng pwedeng tumukso.

Pagkakataon na nya, na magpakatotoo. Pagkakataon na nyang harapin ang isang daan na matagal na nyang iniiwasan. Isang salita na lang ang kulang, isang salita na lang at magbabago na ang lahat ng meron sa kanila ng babaeng kaharap nya ngayon.

She, on the other hand, is currently running out of breathe. Konting paghihintay na lang at malalagutan na sya ng hininga.

Isang salita na lang, at mapapawi na ang bawat sakit at kabiguan na naranasan nya.

Isang salita na lang, at mangyayari na ang isang bagay na nais nyang mangyari bagama't matagal nya itong itinanggi.

"...the food your Lola cooked. It's so yummy."

Para bang gusto na nyang ipabugbog ang sarili nya sa sampung bouncer sa club sa inis sa sarili nya. Hindi nya alam kung ano pa ba ang pumigil sa kanya para sabihin sa babaeng nasa harap nya ang totoong nararamdaman nya. Nanlamig lalo sya ng nakita nya ang pagbuhos ng mga luha sa mga mata ng nasa harap nya na kasalukuyang parang nabuhusan ng semento.

"Ayun lang ba ang sasabihin mo?"
Nanginginig na sambit nito habang pinupunasan ang pisngi nyang punong puno na ng luha. Ito na ang huling pagkakataon nito na linawin ang lahat, at pagkatapos ay titigilan na nya. Hindi na sya aasa, at tatanggapin na lamang nya na kahit kelan hindi na magkakaron ng pagkakataon na maging isa sila ng nararamdaman.


Inis na inis na din naman sya sa sarili nya. Hindi nya alam kung bakit natatakot syang aminin dito ang tunay na nararamdaman. Hindi nya alam, hindi nya alam kung paano, hindi nya alam kung ano ang pinanggagalingan ng takot. "W-wala na."

Pilit na ngiti ang lumabas sa mga labi ang naibigay lamang nya. Nagamit na ang ikahuling pagkakataon. Naubos na ang mga tsansang kanyang binigay. Sagad na, anito sa kanyang sarili.

"Okay. Sige, una na ako ah." Naglakad na ito palayo, dala dala ang mabigat na damdamin. Kasabay ng huling pagkakataon na nagamit na, marahil panahon na para maging ito ang huling pagsasasama. Ako naman, ako naman muna. I'll give myself a time and a chance to heal. Paulit ulit nyang sinasabi sa sarili habang humahakbang papalayo.

Samantalang nagtatalo ang puso at isip nyang tinitigan ang babaeng unti unting nawawala sa paningin nya. Hahayaan na lang ba nya ito o ikikilos ang mga paa na patakbong habulin ang taong nanatili sa tabi nya kahit sya tong paikot ikot?

Ngunit nanatili sya sa pwesto nya. He consoled himself saying, I'll still see her tomorrow. Maybe, I can sum up enough courage to face this cowardice.



Subalit, sa unang araw ng pasukan ng kanilang huling taon sa kolehiyo wala ni anino syang nakita ng babaeng nakasanayan na nyang nasa tabi nya.



Dahil hindi pa nya alam, na bawat sandali sa mundo ay mahalaga na ang bagay na hinayaan mong makawala, malaki ang tsansang hindi na makabalik.

So It's YouWhere stories live. Discover now