"HAPPY BIRTHDAY, RICCI!!!" Sigaw ng lahat ng bisita ni Ricci pagkatapos hipan ni Ricci ang malaki nyang cake, kasama sina Maymay, Edward, at Heaven. Nasa bahay sila ni Ricci dahil nagpaparty ito at invited silang lahat. Ang daming tao, expected naman na dahil malaki ang mundong kinikilusan ni Ricci. Manghang-mangha si Maymay dahil ngayon lang sya nakakita ng bonggang handaan at party para sa ibang birthday lamang.
Kaya stuck si Maymay sa table kasama si Edward at Heaven. Pinipilit nya na okay lang sa kanya ang lahat, dahil ayaw na nyang mangyari pang magkatampuhan at magkagalit sila ni Edward. Pero ngayon, pakiramdam ni Maymay na merong hindi pagkakaintindihan si Edward at Heaven, dahil kanina pa habang papunta silang tatlo dito kina Ricci, mahirap nang ispelengin ang mood ni Heaven. Pakiramdam nya, hindi pa din okay si Edward at Heaven pagkatapos nung December 24. Ikinwento kasi sa kanya nito ni Edward. Nakonsensya sya bigla.
Samantalang si Edward, sobrang naguguluhan na. Okay naman na sila ni Heaven nung pinuntahan nya si Heaven nung pasko. At lumabas pa nga sila nung sumunod na araw pagkatapos ng pasko. Sobrang okay pa nila. Pero bakit ngayon, biglang wala na naman sa mood ito? Okay naman ang naging pag-uusap nila sa phone bago sila magkita. Pero nung nagkikita na silang tatlo kasama ni Maymay, nagbago na ang mood nito.
Lumapit si Ricci sa table nilang tatlo. Sa dinami daming bisita niya, kina Maymay nya gusto makiupo dahil alam nya na hindi magiging okay ang pakiramdam nito. "Maymay!" Si Maymay lang dapat ang iimbitahan nya, pero naisip nya na baka ma-out of place ito kaya he decided to invite Edwward, Heaven, Christian at Vivoree. Sinama nya si Christian at Vivoree with a purpose of Maymay being not left alone with Edward at Heaven pero nagpaalam ang mga ito the last minute na hindi sila makakapunta.
"Ricci, happy birthday!!" Tumayo si Maymay para alalayan ito dahil nakasaklay pa din ito at nakasemento pa din ang tuhod nito. Niyakap nya ito at iniabot yung regalo nya para dito. "Pasensya ka na, yan lang ang kaya ko ha. Pero promise, pag mayaman na ko mas bongga pa dyan regalo ko." Jacket kasi ang iniregalo ni Maymay kay Ricci.
"Nako, nag-abala ka pa Maymay. Okay lang naman kahit walang ganito. Presensiya mo lang, sapat na." Umupo si Ricci sa tabi ni Maymay, na ikinabahala naman ni Edward. Nagtataka ito bakit sa dinami dami ng mga bisita niya, sa table nila at sa tabi pa ni Maymay ito pumunta.
"Happy Birthday, bro." Cold na bati ni Edward kay Ricci.
"Salamat bro." Sagot naman ni Ricci.
"Hindi ba dapat nasa table ka nyo ng family nyo?" Masungit na pagkakatanong ni Edward. Ramdam naman ni Ricci na hindi nito nagugustuhan ang pag-upo nya sa table nila. At oo, ramdam din ni Ricci na ilang at mainit ang dugo ni Edward sa kanya na sya naming ikinaiinis nya dito. Wala naman syang nakikitang ibang dahilan para kainisan sya nito bukod sa pinagseselosan sya nito.
At bakit sya magseselos, eh may girlfriend na sya? At kung nagseselos talaga sya, ibig sabihin may gusto ito talaga kay Maymay, at kung meron nga, bakit kailangan pa nya maghanap ng iba kung parehas lang pala sila ni Maymay ng nararamdaman. Naiinis sya dahil si Maymay ang nasasaktan sa pagiging unsure ni Edward sa nararamdaman nya.
"What's wrong with him sitting beside Maymay, Ed?" Si Heaven naman ang nagtanong. Hindi nito nagustuhan na para bang nagseselos na boyfriend na may tumabi sa girlfriend si Edward. Sya ang girlfriend at hindi si Maymay kaya hindi dapat ito umakto ng ganito para sa kanya.
"They will understand naman." Ricci sternly answered. He glared at Edward na nakipagtitigan din sa kanya, pero umalis din ng tingin. Napabuntong hininga naman si Maymay. Akala nya ay magkakasagutan pa ang dalawang ito. Hindi nya alam kung ano bang problema ni Edward, at kung anong ginawa ni Ricci dito na kinainisan nya dito.
YOU ARE READING
So It's You
Romance"Yes, I must admit. How stupid of me to look for something that has always been beside me. It's a long journey of ups and downs but now I've come to realize that I should stop the wrong turns and face the truth that has been in front of me since da...