SIY 7: 472 days before separation

311 34 11
                                        

The day before ng GA, sobrang busy nina Maymay at Edward lalo na si Maymay. Dahil sya nga ang floor director, dapat maging smooth ang flow ng program bukas. Nasa theater sya ngayon, sa harap ng stage at nag-iinstruct sa tech team kung saan dapat ilagay ang mga stage designs.  Kahit sinisipon sya at masakit ang ulo,  ininda na na lang nya ito. 

Si Edward naman,  ay busy sa pagkakabisado ng mga spiels nila for tomorrow.  Nasa backstage sya,  hinihintay si Heaven para sa huling araw ng practice nila.  Sobrang kabado sya, hindi lang sa hosting stint nya dahil bukas pagkatapos ng celebration party ng org na kinabibilangan nila,  aamin na si Edward.  Doble tuloy ang kabog ng dibdib nya.

Dumating na si Christian at Vivoree. Akala ni Edward ay kasama na ng mga ito si Heaven pero sinadya ng dalawa na mauna para kausapin si Edward. 

Kumuha silang dalawa ng upuan at tinabihan si Edward. "Ed, we have an important question to ask." Seryosong pagtatanong ni Vivoree. 

"Ano yun?" Kinakabahang tanong ni Edward.  Hindi nya alam kung bakit sya kinakausap ng dalawa ng wala si Heaven.

Umubo muna si Vivoree at naghampasan sila ni Christian.  Nagtuturuan kung sino ang magsasalita.  In the end, si Vivoree pa din ang nagtanong.  "Do you like Heaven?"

Nanglaki ang mata ni Edward.  Feeling nya namumula na sya.  Hindi nya alam kung ano ang sasagutin nya.  "Wa-what?"

Nagkatinginan si Christian at Vivoree at nag-apir sa isa't isa.  "Your blushing and stuttering confirms my question.  So, totoo?" Christian crossed his arms.  Finally,  macaclarify na nila kung sino ba talaga ang gusto ni Edward,  si Maymay ba o si Heaven at mukhang magtatagumpay sila sa paglalalapit sa kaibigan nila at kay Edward dahil mukhang si Heaven ang gusto nito. 

"Y-yes.  I like Heaven." Hindi alam ni Edward kung bakit sya umamin sa mga ito.  Lalo na't malalapit na mga kaibigan ito ni Heaven.  Pero mas okay na rin para hindi din ito mabigla bukas sa pag-amin nito. 

"OMG!!!!" Napatayo si Vivoree at Christian at magkahawak kamay na nagtatatalon. Pagkaupo nito, akala ni Edward ay titigilan na nila sya sa pagtatanong ngunit hindi pa pala.

"So ano nang plano mo?"
"Kelan mo balak umamin?"

Sunod sunod na tanong nilang dalawa.  Para tuloy syang nasa talk show na silang dalawa ang host at sya ang guest na may pasabog na rebelasyon. 

"Bu-bukas. Sa celebration party after ng event." Lalo tuloy syang kinabahan ng banggitin nya ito kina Christian.

"Ay, taray!  Agad agad!  Gusto ko yan!" Sigaw ni Christian. 

"Gusto mo tulungan ka namin? Isip tayo ng pakulo bukas then time mo na para umamin. Omg talaga!!" Kinikilig na tili ni Vivoree. 

Simple lang sana ang plano ni Edward na pag-amin.  Kakausapin nya si Heaven, lalabas sila sa restobar kung san yung celebration party,  hihiwalay kung saan silang dalawa lang ang magkasama at doon na sya aamin.  Pero mukhang iba ang balak ni Vivoree at Christian.  Hesitant at first, pero pumayag na din naman si Edward.

Nagkaroon naman ng general rehearsals na kung saan si Maymay sng punong abala. Pinagawa nya ang program flow as if event na talaga.  So it means, lahat pati ang hosts ay magrerehearse na parang ngayon na talaga ang event. 

The doxology came first kung saan sumayaw ng interpretative dance sa kantang Lead me Lord,  ang pumaskom dance troupe kung saan kabilang si Vivoree.

Next is,  welcoming remarks ng President ng org na si Fen at ang department chair ng masscom. 

Hanggang sa umakyat na sina Edward at Heaven for their parts. 
"Welcome, our co-pumaskom students!" Sabay na pagkakasabi ni Edward at Heaven.

So It's YouWhere stories live. Discover now