SIY 3: 479 days before separation

381 34 13
                                    


Nahihilo na si Maymay kakapanood kay Edward na palakad lakad sa harap nya.  Nasa org room sila ngayon hinihintay yung iba pang members ng committee na dumating. Last week na ng preparation nila for the general assembly ng PUMASKOM. 

Member si Maymay ng Committee on Organizational Development,  which is ang punong abala for the general assembly kaya sobrang busy nya.  Sya pa ang naatasan na floor director sa mismong event so dapat talaga hands on sya sa lahat ng mangyayari mapapreparations hanggang sa mismong event. 

At si Edward naman,  kaya di mapakali dahil isa sya sa mga host ng event.  Si Maymay ang nagprisinta dito.  Alam nya kasi na magaling ito sa ganito, talaga lang na mas inuuna nito ang nerbyos nito. 

Dagdag kaba pa ni Edward ng malaman nito na si Heaven ang kasama nya sa paghohost.  "Kasi naman May,  bakit mo pa ko prinisinta!"

"Eh hindi ko naman alam na si Heaven pala ang pinrisinta ni Christian na babaeng host eh! Tsaka, ayaw mo nun makakasama mo sya.  Dumamoves ka na," Depensa ni Maymay.  Pero natigilan sya saglit sa nasabi nya.

"Sabi ko nga sayo, sa general assembly na ko mismo aamin. Ayoko ng binibigla ako!" Nagpatuloy ito sa paglalakad kaya yung mga iba nilang kasamahan na kararating lang nagtataka itong tiningnan. 

"Ano ka ba naman Dodong, makipagclose ka muna sa kanya.  Sino ba maysabi sayo na umamin ka kaagad ngayon?  Tsaka heler, baka mabigla mo yung tao kung aamin ka kaagad ng hindi pa kayo nakakapag-usap." Hinila nya si Edward at pinaupo sa upuan nito. 

Natigilan silang dalawa nang pumasok na si Heaven,  Christian at  Vivoree sa org room.  Pinagtulakan nina Christian at Vivoree si Heaven papunta kay Edward na wala namang nagawa kundi harapin ito.  Normally,  makita lang nya si Heaven,  ay tatakbo na ito palayo. Pero siguro,  tama nga si Maymay.  Hindi pwedeng basta na lamang sya umamin. Kailangan nya munang makipagkaibigan. 

"Uhm,  Edward gusto ka daw ni Heaven." Napa-HA silang lahat sa sinabi ni Christian. Si Edward naman parang aatakihin sa puso sa sobrang pagkabigla.  Kitang kita naman ni Maymay ang pagkurot ni Heaven dito.  "Ay,  este,  I mean gusto ka daw makausap ni Heaven."

Pumayag si Edward. Bago sya sumama kay Heaven,  tumingin muna ito kay Maymay na kasalukuyang tinatangay palayo ni Christian at Vivoree.  Sinenyasan sya nito ng "goodluck" sign bago ito lumingon sa kina Christian. 

Nasa may bandang bintana na si Edward at Heaven. Pinagpapawisan na si Edward sa sobrang kaba kaya hindi sya makapagsalita.  Ang ganda ganda nya talaga, bulong nito sa sarili.  Hindi nya alam kung bakit pagdating dito,  sobra syang nagmamalfunction, nai-impair ang social functioning nya pati na rin ang cognition nya. 

"Hi Eddie!" Kulang na lang pumalakpak na ang tainga nya sa narinig nyang pagtawag sa kanya nito.  Sanay sya sa Ed na tawag sa kanya ng kanyang pamilya,  at sa Edong/Edwardo/Dodong ni Maymay pero ang pagkakatawag sa kanya na Eddie ni Heaven ang para bang nakakatunaw sa kanya ng sobra. 

"Hi,  H-heaven!" What the heck,  bakit ako nabubulol?! Kung masusuntok lang nya ang sarili nya ng mga oras na iyon, ginawa na nya. 

"I'm so glad ikaw ang partner ko sa hosting! Looking forward to share the stage with you. Gusto mo ba magpractice tayo everyday, para maging okay ang performance natin as hosts sa GA?" Natulala ito sa mata ng babaeng nasa harapan nya.  Dati rati,  hanggang tingin lang ito sa malayo pero ngayon kasama, kausap at kaharap na nya ito.  At, bonus pa na makakasama nya araw araw para sa practice.  He must've done something right to deserve this. 

"Eddie? Hello,  okay ka lang ba?" Nag-wave ito sa harap nya. Nag-blink si Edward.  Hindi nya na nalaman na natulala pala ito. 

"Ah,  oo. Ako din,  I'm happy to be hosting the GA with you. Actually,  first time ko 'to." Na-amaze si Edward dahil ito ang unang beses na pagsasalita nya sa harap ni Heaven ng hindi nabubulol o nauutal. Kaya siguro,  it's a good start for him.  If everything went well, magiging okay sila ngayon pa lang then the PUMASKOM GA must be the right and perfect time for him to confess his feelings for the girl in front of him. Sobrang saya nya, he needs to tell Maymay his progress. 

So It's YouWhere stories live. Discover now