Inip na inip na naghihintay si Maymay sa kanto nila. Usapan kasi nila ni Edward 7:30 am nasa kanto na sila ng Mango Street kung saan ang bahay nila. Fifteen minutes na ang nakakalipas, wala pa ding anino ni Edward ang namamataan ni Maymay.
"Bushak talaga yung lalaking yun. Mukhang malelate pa kami, first day na first day ah." Inis na inis na sabi ni Maymay sa sarili. Kinuha nya yung phone at tinext na ito.
First day kasi ng second semester nila. Second year college na sila pareho, at pareho pa ng kursong kinukuha--Mass Communication.
"Kokotongan ko talaga yun, pag nalate ka---" Natigil ang pagmomonologue nya ng naaninag na nya ang matagal na nyang hinihintay na patalbong humahangos papunta sa kanya.
"Sorry na, si Ate Laura kasi ang tagal sa banyo." Hinihingal itong nagpaliwanag kay Maymay. Totoo naman, nakipagunahan kasi sa kanya ang kanyang Ate sa banyo at kinakailangan pa nya itong katukin para paalalahanan na may susunod pa na gagamit pagkatapos nya.
"Eh de dapat inagahan mo! Pag nalate tayo, kokotongan talaga kita!" Inirapan nya ito, at bumaba sa sidewalk. Magtatawag na ito ng trike para ihatid sila sa kwatro kantos. Pumito ito, at maya maya, sya nga, may pumaradang kulay green na trike sa harap nilang dalawa. "Dahil late ka, ikaw magbabayad sa trike ngayon. Bwahahaha"
Salit salitan kasi sila. Kapag ngayon si Maymay ang nagbayad sa trike, kinabukasan si Edward. Pero dahil nalate sa usapan si Edward, sya ngayon at hanggang bukas ang magbabayad sa trike. Tuwang tuwa naman ang dalaga dahil makakatipid sya ng 50 pesos ngayong araw.
"Unfair!" Sigaw ni Edward habang sumasakay sanloob ng trike.
"Anong unfair doon? Ang linaw ng usapan natin dati na kung sino malate sa usapan sya magbabayad sa trike. Bwahahaha kala mo maiisahan mo ko ah!"
Hanggang nasa jeep na sila papuntang university kung saan sila nag-aaral, nagtatalo pa din at nag-aasaran ang dalawa. Pinagtitinginan na nga sila ng mga tao, pero imbis na mainis ang mga iba, tila napapangiti ang mga ito dahil kung titignan mo ang cute nila kung mag-asaran. Bagama't yung ibang pasahero, halatang naiinis sa ingay na dulot nila, may iba din na wala namang pakialam.
"Ang OA mo kasi. It's the first day of classes, malamang wala pa masyadong gagawin." Bato ni Edward sa banat ni Maymay.
"Kahit na! Ang pangit kaya ng impression pag late ka sa first day huhuhuhu!" Natawa si Edward sa naging expression ni Maymay. Her funny quirks, adorable childishness and genuineness are one of the reason he is happy to be her bestfriend. She can make you laugh until you cry, she can transform your gloomy day into a gleeful one effortlessly.
Sanay na sya dito. Magaslaw ito, at makulit. Ever since they were in high school ganito na ito. Yes, magkakilala na sila nung high school pa. Pero they were just friends. They just became each other's bestest friend when they found out na same university, at same course silang dalawa. They became inseparable since then. Lagi itong nasasabihan na papampam at OA dahil sa mga wild reactions nito, subalit ganito lang talaga ito. She is genuine, innocent. No pretenses. Not afraid to be who she is, kahit ano pang sabihin ng ibang tao.
"Huy, makatitig ka dyan. Inlove ka na sakin no? Hala, baka magkatotoo yung pang-aasar nila sa atin ha. Dodong ah. Ikaw ah, yiieeee." He came to realize na natulala pala sya dito.
He blinked to his senses. "Edi wow." People around them ship both of them together. They always ask na how is it possible for them to be friends without considering the possibility of falling in love.

YOU ARE READING
So It's You
Romance"Yes, I must admit. How stupid of me to look for something that has always been beside me. It's a long journey of ups and downs but now I've come to realize that I should stop the wrong turns and face the truth that has been in front of me since da...