SIY 15: 444 days before separation (PART II)

366 44 15
                                    


Sinundan ni Edward si Heaven.  Hindi nya ito naabutan bago ito makaalis kaya he decides na puntahan ito sa bahay nito. 

Hindi pa nagsisink in sa kanya ang lahat ng pangyayari. Hindi nya alam ang gagawin nya. He is in denial at hindi pa rin sya makapaniwala sa lahat ng nalaman nya ngayon. Hindi din nya maintindihan ang nararamdaman nya sa lahat ng mga nalaman nya.  At dahil masyado syang naguguluhan,  he chose to stick within what is the current set up: Heaven as his girlfriend,  Maymay as his bestfriend.  So he chose to repress the sudden shift of his feelings the moment he knew everything and act like nothing happened,  and he knew everything. 

Ibang usapan naman ang paratang ni Heaven na inaagaw sya ni Maymay dito. Kahit girlfriend pa nya ito,  hindi nya talaga lubos mapaniwalaan ito dahil kahit kailan hindi nya maisip na kayang gawin ito ni Maymay.  Aside from that,  that issue is irrelevant right now sa internal conflict na namgyayari kay Edward ngayon.  The issue he is currently avoiding right now is what to do now that he knows the truth?

Pagdating nya kina Heaven,  kabababa lang nito sa tricycle na halos kasabayan lang din pala nya.  Nagbayad sya at dali-daling bumaba. 
Nakita sya nito pero dumiretso ito papasok.

"Heaven, saglit!"  Hinabol nya ito at pinigilang makapasok.  "Mag-usap tayo."

Tiningnan sya nito ng masama.  Itinabig nito ang kamay nya na hawak hawak ang braso nya.  "Ano pa bang kailangan nating pag-usapan ha Edward?  You chose her di ba?  Nag-stay ka di ba???"

"No,  Heaven.  Kaya nga ko nandito di ba?" But choosing her,  choosing to be here in front of her,  seems like wrong for him.  But he just kept on denying that fact. 

"Alam mo,  Edward?  Hindi lang to ngayon eh. Matagal na.  Matagal ko nang nararamdaman na parang nakikihati lang ako kay Maymay sa atensyon mo,  when in fact I AM YOUR GIRLFRIEND and she's just your bestfriend?" Finally,  she have said it.  Ang matagal nang bumabagabag sa kanya.  Akala nya kasi dati,  pag naging sila, Edward would keep his distance with Maymay.  Pero hindi. 

"Pe-pero I have made that clear with her.  I became transparent with Maymay sa totoo kong nararamdaman.  I even apologized to her kanina kahit alam kong masasaktan sya, even if I know I shouldn't have told her that at the first place because I should be considering her and her feelings but here I am now,  choosing you.  Isn't that enough?!" Tumataas na ang boses nya. Hindi nya kasi maintindihan kung bakit hindi pa din nito maintindihan. 

"Ayan,  ayan yung problema!  Her welfare is always your priority over mine!  Akala mo ba hindi ko napapansin? You are still considering her despite knowing the fact na may nararamdaman sya para sayo KAHIT MAY GIRLFRIEND ka na at kahit alam mo na may balak syang agawin ka sakin??" 

"Agawin!?  Why would Maymay do that? I've known her for years,  Maymay is not that kind of person! Napakaselfless nyang tao,  for her to be able to do that. Hindi mo kailangan ibaling sa kanya ang sisi if you don't feel secured in this relationship, and if you don't trust me enough!"

Heaven removed Edward's hand that was holding her right hand. 

"Secured? You want me to feel secured in this relationship??"

Edward looked at her.  Parang may pakiramdam na sya kung ano ang patutunguhan nitong pag-uusap nilang dalawa.  At kahit isipin lang nya, hindi nya na alam ang gagawin nya. 

"The only way I can feel secured, if you would choose me over her," Heaven looked at him very sternly.  "Meaning,  you cut your ties with her."

"Heaven,  you know I can't do that." Just thinking of it,  he can already tell na he really can't. 

"You can,  if you really love me."

He feels like he is at the middle of a big scissors.  With nowhere to go. Because choosing either end,  would still hurt the other.  Sumasakit na ang ulo ni Edward. 

"Or should I rephrase the question?  Ako,  o si Maymay?  Whoever you choose, you need to let go of the other. " Kahit ayaw paabutin ni Heaven sa ganitong pagtatanong dahil alam nya she shouldn't be asking him that question at the first place because she should be the choice over Maymay pero wala syang magawa dahil alam nyang hindi nya mapipilit si Edward na layuan si Maymay dahil para sa kanya, Edward should be choosing her.  Because she is the girlfriend at bestfriend lang si Maymay. 

"Heaven, please don't put me in this scenario. Don't make me choose between the two of you. Don't make it hard for me."

"Just answer me!  You should know the answer, you should be sure of it the moment na naging tayo!  Why are you making it look like it's so hard to choose your GIRLFRIEND over your BESTFRIEND?"

Bakit ba kasi kailangan nyang pumili? Can't he both live a life with the both of them in his life??  "And why are you making it look like it's so easy for me to disregard someone who is also a huge part of my life?!"

Heaven stared at Edward blankly for a couple of minutes. "My question remains the same.  Is it Maymay or me?"

Parang sasabog na ang pakiramdam ni Edward.  He knows at this point in time he had to choose,  dahil hindi nya na mailinaw kay Heaven ang lahat.

-
-
-
-
-
-
-
-
Tulala si Maymay habang pauwi. Hinatid sya ni Ricci.  Ayaw sana nya magpahatid dito dahil may party pa ito at may mga ilan pa ding mga bisita pero si Tito Rich na din ang nagsabi kaya pumayag na ito. 
Malapit na sila sa bahay. Isang oras ang naging byahe pabalik dahil sa traffic.  Uwing uwi na si Maymay.  Gusto na lang nya matulog.  Baka sakaling paggising nya,  mawala lahat ng bigat na nararamdaman nya. 

Mabigat din ang pakiramdam ni Ricci.  He doesn't want to see Maymay like that.  She is such a ball of happiness,  na kapag may pinagdadaanan ito,  it surely will be evident at mahahawa ang ibang tao.

Lumiko na ito sa subdivision nina Maymay at maya-maya ay nakarating na sa tapat ng bahay nila.  Hindi na hinintay ni Maymay na pagbuksan sya ni Ricci ng pinto, kusa na lang syang bumaba ng kotse nito. 

Nagpaalam na si Maymay kay Ricci.  Gusto nya pa sana magsalita,  at, magpasalamat dito sa hindi pag-iwan sa kanya pero wala na syang sapat na lakas para magsalita pa.  Papasok na sana sya ng tawagin sya ni Ricci.

"May," Paglingon nya,  nakalahad ang dalawang kamay nito, na nagsasabing pwede itong yakapin.  Kaya bilang pasasalamat,  niyakap na lang din nya ito. Hindi nya alam kung makakaya nya ba ang lahat ng nangyari kanina kung wala si Ricci,  kaya malaki ang pasasalamat nya dito. 

"Salamat,  Ricci.  Maraming salamat." Bulong nya habang yakap yakap ito.

"I'm just here. I'm not leaving." Maymay smiled as she heard Ricci uttered those words.  She's very thankful having found a true friend in Ricci.  Hinintay nya muna itong makasakay at makaalis bago pumasok ng bahay. Pero bago sya pumasok,  parang namalikmata sya at nakita nya si Edward na naglalakad palayo pero dahil gabi na,  hindi nya naman sigurado kung si Edward nga ang nakita nya dahil nakatalikod ito ng makita nya. 

Napabuntong hininga si Maymay. 

*next*

--

Yehey,  huhuhu nakapag-update agad ako.  :< Thank you guys sa pagbabasa ng So It's You!  Naooverwhelm ako, pero dahil naiinspire ako sa MayWard at sa inyo,  itutuloy ko pa din ito kahit sobrang hectic na ng schedule ko. Huhuhu. 

So,  sa tingin nyo sino ang pinili ni Edward at ano na ang mangyayari sa kanilang dalawa? Comment down your thoughts! Thank you ulit, guys.  So much love. 💓

-UlirangFanGirl

So It's YouWhere stories live. Discover now