Katatapos lang ng huling klase nina Edward at Maymay. Kasama nila ngayon sa loob ng classroom sina Christian, Vivoree at Heaven. May balak ang mga ito na magpunta sa SM at mag-videoke. Excited na excited ang mga ito. "Ate May, sama ka?" Tanong ni Vivoree ng mapansin nito na tumayo na si Maymay at nagsimulang magligpit ng gamit.
Inaabangan naman ni Edward kung ano ang isasagot ni Maymay. He wishes na sumama ito. "Ay, hindi eh. Next time na lang. Dadaan kasi ako ngayon sa ospital para dalawin si Ricci." Edward felt disappointed. Matapos ang nangyari kay Ricci, halos araw araw na ito dumadalaw dito.
"Ay, ganon ba. Sige, regards na lang kay Ricci Ate May ha." Heaven said as she wrapped her arms around Edward. Napansin ni Maymay ito, at there it goes again, the piercing pain again. But she jusr shrugged it off. She promised herself, as well as Ricci, na hindi sya magpapalamon sa nararamdaman para kay Edward. Sinakbit na nito ang bag at nagpaalam na sa kanila.
For a minute, Edward just stared at her as she walks out. Pero sa totoo lang, hindi na sya natutuwa sa nangyayari. Para sa kanya, hindi na tama na araw araw ito dumadalaw dito. "Heaven, wait lang ha. May nakalimutan lang ako sabihin kay May."
Heaven at first hesitated. Meron pa din itong takot na nararamdaman na baka si Maymay talaga at hindi sya, ang gusto nito. Sa totoo lang, gusto na nyang palayuin ito kay Maymay ngunit hindi nya lang alam kung paano at kailan dapat sabihin ito. Nevertheless, pumayag si Heaven.
Nakakailang hakbang pa lang si Maymay mula sa classroom nila ng napatigil sya ng may tumawag sa pangalan nya. "May, teka lang." Paglingon nya si Edward. "Pwede ba tayo mag-usap, saglit?"
Nakaramdam ng kaba si Maymay. Ano kaya ang gusto nitong pag-usapan? "Ano yun?"
Huminga ng malalim si Edward. Gustong gusto nya talaga kausapin si Maymay tungkol dito. "Do you really need to go?"
"Ha? Anong ibig sabihin mo dyan sa tanong mo Edward?" Hindi nya alam kung bakit ganoon ang tanong nito.
Edward still felt uncomfortable with the fact na hindi pa rin sya tinatawag nito na Edong. "I mean, bakit kailangan araw araw mo puntahan si Ricci?"
Hindi maintindihan ni Maymay kung bakit iyon tinatanong ni Edward. Alam naman nito kung ano ang pinagdadaanan ni Ricci ngayon. "Ano ba namang tanong yan Edward, alam mo naman kung ano ang pinagdadaanan ni Ricci ngayon di ba."
Hindi pa rin makuntento si Edward sa mga naririnig nya. Hindi ayon ang gusto nyang makuhang explanation. "Alam ko yon!" Tumaas na ang boses at tono ni Edward na sya namang ikinagulat ni Maymay. "Pero May, hindi mo ba napapansin? Araw araw ka na lang dumadalaw sa kanya! Bakit, hindi mo naman obligasyon na araw araw dalawin sya ah?! Wala ba syang sarili nyang pamilya? Wala ba syang ibang kaibigan? Bakit kailangang ikaw?? Hindi mo naman obligasyon na magpakapagod araw araw para sa kanya ah!"
Hindi makapaniwala si Maymay sa naririnig nya ngayon. Hindi nya akalain na manggagaling ang mga salitang iyon kay Edward. "Naririnig mo ba ang sarili mo Edward, ha? Hindi ko kailanman naisip na masasabi mo yan sa isang taong may pinagdadaanan."
Hindi na mapigilan ni Edward ang inis na nararamdaman nya. "Bakit? Totoo naman ang sinasabi ko ah? Lagi na lang nakay Ricci ang oras mo! Oo, naiintindihan ko na may pinagdadaanan sya ngayon, pero May wag mo namang kalimutan na may ibang tao pa sa buhay mo, bukod kay Ricci!!!" tuloy tuloy na pagkakasabi ni Edward, wala nang oras para pag-isipan pa kung anong mga salita ang dapat bitawan.
Maiiyak na si Maymay sa narinig nya. Gusto nyang sabihin na, bakit noong ikaw ang lumawak ang mundo, may narinig ka ba sa akin? Pero ako, nung ako naman ang nagsisimulang palawakin ang mundo ko, ikaw pa tong nagagalit? Pero hindi nya ito sinabi dahil hindi din naman maiintindihan ni Edward. "Edward, kaibigan ko din si Ricci. At ngayong oras, kailangan nya ng isang kaibigan. Mas kailangan nya ko ngayon. Kaya wag ka naman magsalita ng ganyan, dahil alam mong pag ikaw naman ang may kailangan, kahit kailan hindi ako umalis sa tabi mo."
YOU ARE READING
So It's You
Romance"Yes, I must admit. How stupid of me to look for something that has always been beside me. It's a long journey of ups and downs but now I've come to realize that I should stop the wrong turns and face the truth that has been in front of me since da...