"May, sabay tayo?" Sabi ni Edward sa telepono kay Maymay. Sabado kasi ngayon at may pasok sila para sa isang klase sa P.E. nila. Make up class ito dahil wala silang klase nung Tuesday at Thursday to give way sa practice ng varsity team para sa incoming UAAP season.Matagal ito bago nakasagot. "Una ka na, may dadaanan pa ko."
Nalungkot naman si Edward. Minsan na lang nya makasama ito dahil lagi na lang ito busy at may dadaanan bago pumasok at pag uuwi naman, palaging may kailangan puntahan sa library o di kaya aalis sila ni... Ricci na sya namang kinaiinisan nya. Napapadalas kasi ang paglabas nitong dalawa nitong huling mga araw. Noong nakaraang araw nga, nakita nya na hinatid ito ni Ricci sa bahay nila gamit ang kotse nito.
Magsasalita pa sana dapat si Edward pero nagpaalam na si Maymay baka kasi hindi pa nya ito matiis at sayang naman at effort nya na iwasan ito.
"Hindi pa din ba kayo okay ni Edwardo? Ilang araw mo na sya iniiwasan. Bakit ba kasi?" Tanong sa kanya ni Patricia habang pinapanood ito mag-ayos ng mga gamit.
Hindi nya kasi sinabi dito ang dahilan kung bakit iniiwasan nya si Edward. Malapit din kasi ito kay Edward at baka masira pa ang Oplan "Expanding Maymay's world" niya at ni Ricci. Sa ngayon, si Ricci pa lang ang nakakaalam ng totoo nyang nararamdaman.
"Hindi ah, sadyang may kailangan lang talaga ko daanan bago pumasok kaya hindi na ko sumasabay sa kanya."
"Wushu. Ako pa lolokohin mo ha Mayang?" pang-aasar ni Patricia. Alam kasi nito na hindi nito iiwasan si Edward ng ganon ganon na lang.
Hindi na lang ito pinansin ni Maymay, sa halip at dinilaan nya ito at umalis na.
Nauna naman na si Edward gaya ng sabi ni Maymay. Walang klase si Heaven ngayong araw at naisipan nyang lumabas sila ni Maymay mamaya pagkatapos ng klase nila. Siguro naman ay wala na ito gagawin pagkatapos, dahil wala na silang klase pagkatapos at may basketball practice kaya wala silang lakad ni Ricci pagkatapos.
Pagkadating ni Edward sa gym, nagulat ito ng halos kasabayan nya lang si Maymay na pumasok. Akala ko ba may dadaanan pa sya bago pumasok? Eh halos sabay lang kami dumating ah. Tanong ni Edward sa sarili nya pero para bang narinig ni Maymay ang sinasabi nya. "Napabilis kasi ako dun sa dinaan ko. Akala ko matagal hehehe"
Kahit may nasesense si Edward na mali dahil una, hindi nya pa din alam hanggang ngayon kung ano ba ang palaging dinadaanan ni Maymay papasok kaya hindi ito nakakasabay sa kanya, pangalawa, ramdam nya na medyo defensive ang dating nito ngayong nagkagulatan sila, hindi na lang muna nya ito pinansin. Baka kasi hindi pa ready ito na sabihin sa kanya ang lahat. Kahit nalulungkot si Edward, he just brushed it off.
"Ahhh," Sabay na sila pumasok sa Gym at nagpalit ng sapatos na PANG-P.E. "May, mamaya labas naman tayo. Please, oh. Hindi na tayo nagkakasama nitong huli eh."
Napatulala naman si Maymay dito. Akala nya makakalusot na sya dito ng naniwala ito sa palusot nya kanina, pero ngayon wala sya magiging lusot. "Ah eh may---"
"Dali na May, wala naman na tayong susunod na klase. Tsaka sabado naman ngayon eh."
Edward looked at her right in her eyes. Wala nang nagawa si Maymay dahil it's as if Edward has already held her captive with those gaze. Wala na syang lusot, hindi nya magagamit yung may pupuntahan ito pagkatapos ng klase dahil tama nga sya, sabado ngayon. It's supposed to be their rest day if not only for this make up class sa PE nila.
"Okay sige na nga. Si Heaven bakit di mo ayain?" Maymay felt a stabbing pain in her chest nang tanungin nya iyon.
"Ah, wala lang. Hindi ba pwedeng this day is for my bestfriend?" Tumayo ito pagkatapos maayos yung gamit at makapagpalit ng sapatos. Maymay, on the other hand, felt like she could not stand up. Para syang natunaw at nanghina sa narinig nya. She felt as if she is feeling two emotions at the same time. She felt sad, because the fact that she is just his bestfriend is being shove right in her face, but at the same time she is happy because of his effort to make time for her despite of him being with Heaven now.

YOU ARE READING
So It's You
Romance"Yes, I must admit. How stupid of me to look for something that has always been beside me. It's a long journey of ups and downs but now I've come to realize that I should stop the wrong turns and face the truth that has been in front of me since da...