SIY 8: 471 days before separation

334 38 6
                                    


Nasa kalagitnaan na ng program ng GA.  Nagpepresent na per block section ng pinrepare nilang production number.  Napansin ni Edward na parang namumutla si Maymay kahit malayo sya dito.

Hindi sya mapakali dahil alam nyang hindi ito okay kapag namumutla ito.  "Eddie, are you okay? Parang di ka mapakali ah?" He just snapped back to the here and now nung tanungin sya ni Heaven. 

"Ah, kasi si May napapansin ko namumutla kanina pa.  Pag ganon kasi, maysakit yon." Heaven saw him look at Maymay from afar with worried eyes.  Kaya kahit kagabi inaassure siya ni Vivoree at Christian na wag itong mag-alala,  hindi pa rin nito maiwasang mangamba na baka,  hindi rin sya nito gusto. 

Sinenyasan sila ni Maymay na lumabas na ng stage para magbigay ng adlib for the performance at iintroduce ang next block section na magpeperform.  Before exiting the backstage, Edward mouthed are you okay to Maymay to calm his worries.

Maymay nodded kahit hindi talaga.  Pagkagising nya,  inaapoy na sya ng lagnat. Hindi sya nakatulog ng maayos,  masakit pa ang ulo nya dahil maaga sya gumising para makapasok ng maaga para sa event. 

Mabuti na lang malakas ang katawan nya,  kaya kahit mataas ang lagnat nya, kinakaya nya pa din hanggang ngayong halfway na sila ng program. 

"So ayon partner no?  What a superb performance from our very own block 3A!" Edward blurted out as they both entered the stage. 

"Yes,  partner.  Yung mga dance moves nila,  mala-G force ang datingan. Pwede kaya tayo sumali sa kanila partner?"

"Mukhang ikaw lang pwede partner,  parehas kasing kaliwa ang paa ko. Baka mamaya, magmukha akong puno na sumasayaw pag sinali nyo ko sa kanila.  Hahaha!" With that, everyone burst into laughter.  Maymay saw the bright smile and sparkling eyes from Edward.  She is so proud of him,  how he already came out of his shell. 

And Heaven, was a big part of it.  If only hindi si Heaven ang kapartner nito,  Maymay thought,  he would not accept this opportunity.  So she realized how good is Heaven for him.  Heaven made him realize his potentials.  Heaven made him come out of his shell. 

She became happy and sad alongside with those realizations. And she don't know why.  She wants what's best for her bestfriend. This was one of her wish for him,  but now it's happening,  why isn't she genuinely happy about it? 

Lalong sumakit ang ulo ni Maymay sa mga naiisip nya. Napalingon sya sa mga nasa audience seat, at napansin nya na nandoon pala si Ricci,  sa first seat. Nakaupo.  Nanonood.  Nagkatinginan sila at kumaway ito sa kanya.  She gave him a weak smile and a light wave. 

Maya-maya,  may nagtext sa kanya. 

Are you okay?

Si Ricci. Nireplyan nya ito. 

Medyo masama lang pakiramdam ko.  Masakit ulo ko eh. 

Pagkareply nya dito, nilagay na nya ang phone nya sa bulsa nya at nagfocus na sa mismong program.  Intermission number na ng PUMASKOM dance troupe kaya tinipon na nya lahat ng mga involved sa program. 

"Okay guys," Umubo muna ito dahil kanina pa nya gusto iuubo iyon.  "Halfway na tayo ng program.  Four block sections to go,  and then iintroduce na natin ang officers. For the hosts, yung incumbent at outgoing officers muna,  then tsaka iintroduce ang mga newly elected officers.  Marshalls, in the mid of the last group performance,  paakyatin nyo na ang mga newly elected officers para hindi na matagal mamaya.  Sec, ang oath form pakiprepare na."Maymay said with coughs in between. 

So It's YouWhere stories live. Discover now