SIY 6: 477 day before separation (PART II)

322 32 6
                                    

Sumama si Ricci sa kanila sa desserts museum.  Kahit pa,  kakakain lang nila kahapon ni Maymay sa desserts buffet sumama pa din sya. 

He felt like Maymay would be a great friend.  Kahapon sobrang sumakit ang tiyan nya kakatawa sa mga jokes at hirit nito.  Sa one and a half hour na magkakwentuhan sila, hindi mo masasabing kahapon lang sila nagkakilala.  Kaya the moment na nakita nya ito sa MOA, tinawag nya talaga ito.  For Ricci,  it seems like the universe is conspiring for them to see each other again.

Dahil table for two lang ang napareserve ni Edward,  at ngayong anim na sila kinakailangan nila maghintay sa labas para magkaroon ng table na pwede ang anim na tao.  Hindi naman sila naghintay ng matagal dahil mga ilang minuto lang,  nakapasok na sila kaagad. 

Umupo muna sila.  Umupo kaagad sina Christian at Vivoree at pinaupo si Maymay sa tabi ni Vivoree at si Heaven sa may tabi ni Christian. "Ate May dito ka sa tabi ko." Umupo na lang si Maymay sa tabi ni Vivoree.

Pabalik si Edward mula sa CR, at uupo sya talaga dapat sa tabi ni Maymay pero naunahan sya ni Ricci. Hindi nya ito nagustuhan.  Pero dahil wala naman syang rason para hindi ito magustuhan,  pinabayaan na lang nya ito and he reprimanded himself for feeling that way.  Kaya umupo na lang sya sa tabi ni Heaven. 

        Christian | Heaven  | Edward

        Vivoree    | Maymay | Ricci

Naunang kumuha sina Christian at Vivoree ng kakainin nilang desserts. Kaya naiwan silang apat. 

"Hi Ricci, pano pala kayo nagkakilala ni Ate May?" Pambasag katahimikan ni Heaven. Nagkatinginan naman si Ricci at Maymay na napansin naman kaagad ni Edward. He is also looking forward for the answer dahil kahapon pa nya ito tanong.  Buti na lang at naitanong ni Heaven. 

"Actually,  we just met yesterday.  I saw her sad and was about to cry yester----"

Dali daling tinakpan ni Maymay ang bibig ni Ricci at baka kung ano pa masabi nito.  Ayaw nyang malaman ni Edward ang pag-iyak nya kahapon. "Ricci, sssh lang tayo.  Wag mo ko ilaglag." Bulong ni Maymay kay Ricci.

Napatingin naman si Ricci kay Maymay na nagtataka.  He mouthed 'bakit' dito. Maymay just shrugged and moved her eye to point Edward. 
And that moment,  alam na kaagad ni Ricci na si Edward ang supposed to be kasama ni Maymay kahapon na hindi ito sinipot.  This was a huge question for Ricci; kung sino ang nang-indian kay Maymay.  How can someone make  an amazing lady wait for long hours?

Heaven and Edward saw it all, especially Edward.  Their proximity tells the people around them na para bang hindi lang kakakilala ng dalawa kahapon.  Maymay even covered his face with her bare hands,  which she only do to people she is closest to and comfortable with.

"Hehe,  nagkakilala kami kahapon sa desserts buffet. Kala ko pa nga budol budol member to eh,  yun pala varsity player sya. Bakit di mo sinabi sakin kahapon na varsity player ka?" Baling ni Maymay kay Ricci.  Siniko nya pa nga ito. 

"Di mo ba napansin sa height ko?" Natawang sabi ni Ricci. But, he really intended not to let Maymay know. Para sa kanya kasi, ito ang kauna unahang babae o tao na naging kaibigan nya (yes,  he already considered her a friend) na purely raw ang pagiging magkaibigan hindi dahil alam nito na varsity player sya. Dahil nga sikat sya dahil sya ang ace player ng basketball team nila sa major basketball league for all universities, pakiramdam nya nakikipagkaibigan lang sa kanya ang mga tao para masabing may kaibigan sila na sikat but never bothered to be what really a true friend is.  And kay Maymay nya nahanap at naramdaman yun. Nagulat sya dahil akala nya makikilala sya nito pero nung sinigawan sya nito at tinawag na kuya nung muntikan nya itong maunahan sa pila, nasiyahan sya dahil hindi pala sya nito kilala.  Imbes na matapakan ang ego nito dahil sa kabila ng kasikatan nya, natuwa sya ng mga oras na yon. 

So It's YouWhere stories live. Discover now