SIY 20: 352 days before separation

541 57 31
                                    

Parang kakapikit pa lang ni Ricci nang biglang may kumatok sa pinto ng kwarto nya.  Hindi sya nakatulog kaagad sa kakaisip sa mga sinabi ni Maymay nang gabing iyon.  Parang may mali,  at hindi nya alam kung ano ang talagang nangyari dahil hindi naman ito sinasabi ni Maymay. 

Tumayo sya sa pagkakahiga.  Tiningnan nya muna yung oras.  5:45 AM na pala.  Ang bilis ng oras. 

Pagkabukas nya ng pinto bumungad sa kanya si Maymay na aligaga.  "Ricci,  sinugod si Edward sa ospital.  Nakita sya kanina na walang malay sa restobar. Ricci," Naiiyak na sabi nito. 

"I know,  I know.  Kumalma ka muna." Pinaupo nya muna ito sa kama nya.  Kinuha nya yung jacket nya tsaka nagpalit ng pantalon. Dinukot nya din yung susi nya sa jacket at lumabas na sila papunta sa paradahan.

Sa malapit na ospital dinala si Edward.  Mga 20 minutes drive mula sa beach resort na tinutuluyan nila.  Habang nasa byahe kitang kita ang pag-aalala ni Maymay.  He held her hand with his free hand. "It'll be okay. " He assured her.  But she only looked at him and nodded.  Naiiyak na ito. 

He knew Maymay can't stop caring for him despite of everything that had happened.  That's why he knew that what Maymay said last night was just out of her peak emotions.  Because something happened,  and that's what he wants to know.  Even though it hurts,  he wants Maymay to answer him because it is her decision not just because she's at the peak of her emotions. 

Sa sobrang pag-aalala,  nakalimutan ni Maymay tawagan sina Tita Cathy para sabihin ang balita.  Kaya dali dali syang tumawag dito.  Masyado pang maaga kaya nagpapanic na sya at baka hindi masagot ni Tita Cathy.  Pero matapos ang ilang segundong pagriring sumagot na ito. 

"Maymay,  anak,  goodmorning.  Kamusta na kayo dyan?  Bakit ka napatawag?  Is everything alright?"

She took a deep breath before speaking.  Ayaw nyang magmukhang sobrang nagpapanic na at baka sobrang mag-alala si Tita Cathy.  Baka kung ano pa ang mangyari.  "Sinugod po sa ospital si Edward. "

Tita Cathy,  being Tita Cathy,  sounds so calm even though Maymay knew she's already dead worried.  "Ha?  What happened? Bakit sinugod sa ospital si Edward?"

"Nakita po sya sa restobar, walang malay. I still don't know why, Tita.  On the way pa lang po ako sa ospital para puntahan siya." Mabuti na lang at maaga nagising si Maymay at nabalitaan sa ibang mga kaklase nya ang nangyari.  Nag-inuman ang mga ito sa restobar kung saan nakitang walang malay si Edward.  Hindi daw nila alam na nandoon din at nag-iinom ito.  Mga bandang alas sibgki nang bigla na lang nila nakitang may nagkakagulo kaya naki-usyoso sila at laking gulat na si Edward ang nakita na nakahiga sa lapag at walang malay.

"I knew it would happened, that boy. Tsk.  Sige, anak,  itext mo sa akin kung saang ospital. Kevin and I will be going.  Salamat,  nak." Anong ibig sabihin ni Tita Cathy na she knew it would happen..? Hindi ito maintindihan ni Maymay. 

Maymay was preoccupied nang napansin nya na nagpapark na sila ng kotse sa parking lot nung ospital.  Bumaba kaagad si Maymay at nagmamadaling naglakad papunta sa entrance.  Agad agad nyang tinanong kung nasaan dinala si Edward.  Lalo syang nag-alala nang marinig na nasa emergency room pa ito. 

Kasunod ni Ricci, patakbo itong nagtungo sa emergency room kung saan nakita nya si Heaven na nakaupo at kinakausap ng nurse. 

"Heaven," Hinihingal na humangos ito papalapit sa kanya.  Wala na syang pakialam kung hindi pa rin sila okay ni Heaven ngayon.  Ang mahalaga,  ang kalagayan ni Edward ngayon.  "Si Edward?"

So It's YouWhere stories live. Discover now