Ilang gabi na hindi makatulog si Maymay sa kaiisip. Ilang araw na lumipas matapos yung birthday nya pero hindi pa din nya mafigure-out kung tama ba yung pagkakarinig nya sa sinabi ni Edward nung niyakap sya nito.Ang narinig na lang kasi nya ang salitang you, pero ang naunang mga salita ay di nya naintindihan kasi may humarurot na tricycle sa harapan ng bahay nila. Sa sobrang ingay ngpagharurot, natabunan ang tunog ng pagbulong ni Edward. Gusto nga nya sananag habulin yung driver at awayin.
Pero ano kaya yon? Gusto nya sanang isipin na 'I love you' ang sinabi ni Edward base sa naramdaman nya ng mga oras na yon pero madami din kasing pwedeng ibig sabihin.
"Pwedeng I miss you, pwedeng thank you," ani nya sa isip nya. "ARGGGGHHHHHH! KASI NAMAN TALAGA YUNG TRICYCLE DRIVER NA YUN EH BAKIT HUMARUROT PA!!!!"At dahil don, halos gabi gabi syang nag iisip kung ano ba talaga ang sinabi ni Edward sa kanya. Pero she would pacify herself saying na hindi na mahalaga kung ano ba yung sinabi ni Edward. Ang mahalaga, everything's back to normal. They are both taking their time, waiting for the right time. She would fall asleep with a smile on her lips right after.
That night, she dreamt of her and Edward. Her happiness radiates even in her unconsciousness. They were supposed to be going out of the country, in a place she haven't been to. But then she heard her name being called.
"May, malelate ka na, May!"
Why is she being reminded of being late? Aren't classes are over? And who is that calling?
"May, first day na first day mo late ka!!"
Then she realized she was dreaming! When she opened her eyes, she saw Pat and Edward inside her room waking her up.
"AHHHHHHHHHHH!!" naibato nya yung unan nya kay Edward. "Bakit ka nandito sa kwarto ko??????!!!!" Nagtakip ito ng kumot dahil wala syang bra. Hindi talaga sya nagbabra pag matutulog dahil bukod sa paniniwala nyang wala naman itong makakapitan, mas kumportable sa kanyang matulog ng walang bra.
Tawang tawa naman si Edward. He wants to surprise Maymay just to witness this kind of reaction. "Relax, May. Kakapasok ko lang."
"Ako, ako yung kanina pang nandito gumigising sayo pero si Edward kaagad napansin mo. Hay nako May." Patricia crossed her arms pretending to be hurt.
Tumayo na si Maymay habang nakabalot pa din ng kumot yung buong katawan nya. "Oo na, oo na. Labas muna kayo, maliligo lang ako!!!" Tinulak nya si Patricia at Edward papalabas ng kwarto nya at inilock ang pinto.
"Jusko, ano ba naman to." Hindi nya alam kung bakit bigla syang naconscious.
Dali dali syang naligo at nagbihis. Paglabas nya, kumakain na ng umagahan an dalawa. "Kain na, May." Aya ni Edward sa kanya. Pinaglagay sya nito ng kanin at hotdog sa plato nya.
Umupo sya. "Napasarap tulog ko." Sabi ni Maymay habang hinihiwa yung hotdog.
"Halata nga eh, ngumingiti ka pa nga sa pagtulog mo eh." Pang-aasar ni Patricia.
"Hala, hindi nga?"
"Tanong mo pa si Edward. Kitang kita nya." Natatawang sabi ni Patricia sabay inom ng kape na tinimpla nya.
"You're dreaming of me, no? Ayyiieeee!!"
"Bushak ka!" Nakasimangot itong sumigaw. Natawa na lang si Edward dito. Ganito talaga ito pag nahihiya.
YOU ARE READING
So It's You
Romance"Yes, I must admit. How stupid of me to look for something that has always been beside me. It's a long journey of ups and downs but now I've come to realize that I should stop the wrong turns and face the truth that has been in front of me since da...