SIY 2: 493 days before separation

398 31 2
                                    

Bago umalis ng bahay si Maymay, nagtext sa kanya si Edward. 

May, hindi ako makakapasok.  Ang sakit ng ulo ko, tsaka sinisipon ako.

Nag-alala si Maymay.  Alam kasi nito na kapag sumakit ang ulo ni Edward at may sipon, lagnat na ang kasunod nito. 

Nilalagnat ka ba?

Pagkaligpit nya ng bag, lumabas na sya.  Hindi nya sigurado kung dadaan ba muna ito sa bahay nina Edward para icheck ang kalagayan nito. She knew very well na mag-isa lang ito ngayon, dahil ang Ate Laura nya ay bumalik na ng London, para mag-aral ulit.  Ang kanyang Mommy Cathy ay isang linggo muna doon para samahan ang kanyang Ate, at si Daddy Kevin naman nya, nasa Thailand for the foundation they have built there. 

Nagreply na ito.

Hindi.  Ininom ko na ng bioflu para di na magtuloy sa lagnat.  Itutulog ko na lang to.  Wag ka na dumaan, pumasok ka na ng school. 

Para bang alam na ni Edward na nagpapanic na ang dalaga ng mabasa nito ang text nya,  at sigurado itong dadaan ito sa kanila para icheck kung okay lang ba sya.  Sa totoo lang,  pagkagising nya nilalagnat na sya.  Masakit ang ulo nya kagabi, at sinisipon sya.  Pagkagising nya,  nilalagnat na sya.  Pero hindi na lang nya ito binanggit kay Maymay. 

Medyo nabunutan naman ng tinik si Maymay ng malaman nyang hindi ito nilalagnat. Nagdecide sya na pumasok na lang muna sa klase. Hindi na lang nya papasukan ang P.E class nya at didiretso na sya kina Edward.

Pero sa unang klase pa lamang nya, hindi na sya mapakali.  Iniisip nya na baka tuluyan ng nagtuloy sa lagnat ang kalagayan ni Edward. 

Naglelecture ang prof nila, pero ang utak nya lumilipad.  Siniko sya ng katabi nya na si Elisse. "Huy May,  okay ka lang ba? Kanina ka pa parang bulalo dyan ah."

Tiningnan nya ito na nagtataka. "Anong parang bulalo?"

Natawa si Elisse sa kaibigan. "Bulalo, parang sabaw ka ngayon.  Lutang."

Natawa ng bahagya si Maymay pero halata pa din na disoriented ito. "Si Edward kasi, may sakit.  Eh walang kasama sa bahay."

Nginitian sya ng nang-aasar ni Elisse. Hindi nya maintindihan kung bakit ganito ang reaksyon nito."Ayie, nag-aalala si gf kay bf!"

"Gf bf ka dyan? Syempre bestfriend ko yun kaya mag-aalala ako.."

Nginitian sya lalo ng mapang-asar ni Elisse.  "Oo nga,  girl friend ka nya at boy friend mo sya. Ikaw naman masyadong defensive. Hahaha!"

Tinawanan na lamang nya ang kaibigan. Hanggang sa natapos ang unang klase, hindi pa din mawala sa isip nya ang kondisyon ni Edward.  Grabe kasi ito kung magkalagnat, kung hindi mo tututukan, nagchichills ito. 

Tinext nya ito pagkatapos na pagkatapos ng first subject nila.

Dodong? Kamusta na pakiramdam mo?

Matagal syang naghintay sa reply nito. Pero dumating na ang prof nila sa second subject hindi pa din ito sumasagot sa text nya.  Lalo na tuloy syang di mapakali.  Chill ka lang Maymay,  hindi naman ikamamatay ni Edward ang lagnat. Paulit ulit nyang inaassure ang sarili nya. 

Fifteen minutes after magstart ang discussion ng prof nila,  biglang nagvibrate ang phone ni Maymay.  Pasimple at patago itong chineck ni Maymay at nakitang tumatawag si Edward.  Nagpa excuse sya sa klase para sagutin ang tawag, paalam nya emergency call.  Emergency call naman talaga. 

"Dodong ka-----!"

"Mom, d-di ko na kaya. Nilalagnat talaga ko kanina pang umaga. Akala ko huhupa na pag ipinahinga ko.. Ngayon tumataas ata,  nahihilo na ko..."

So It's YouWhere stories live. Discover now