Alas siete pa lang ng umaga nasa bahay na nina Maymay si Edward. Weekends ngayon, walang pasok. At ngayong araw planong bumawi ni Edward kay Maymay dahil sa nangyari kahapon.
Pinagsisisihan nya na inindian nya ito. Hindi naman nya sinasadya, nakalimutan lang talaga nya. Pero kahit na. Paano nya nagawang kalimutan ang usapan nila ni Maymay? Iba na talaga nagagawa kapag kasama mo yung taong gusto mo. Pero, anong klaseng kaibigan ito para makalimutan ang naipangako sa matalik nyang kaibigan?
Nagulat si Pat sa kanya ng pinagbuksan sya nito. As expected, tulog pa si Maymay kaya ito ang nagbukas ng pinto. "Oh, Edward. Ang aga mo ah. Bakit?"
Pinapasok sya nito. "Aalis kami ni Maymay."
"Ay, talaga? Okay. Pero masama ata pakiramdam nya eh, kagabi kasi sobrang tamlay nya nung pagkauwi nya."
He knew na wala talagang sakit si Maymay. He knew na dahil sa kanya kung bakit ito matamlay na umuwi. "Tulog pa ba sya?"
"Oo. Lamonaman yun."
Balak nyang gisingin na ito. Alas dos ang schedule ng showing ng pelikula na papanoorin dapat nila ngayon. Magbabyahe lang sila papuntang Mall of Asia. At may iba pa syang balak gawin bago sila manood ni Maymay ng movie so kailangan na nila makaalis ng 8:30. Kaya pumasok sya sa kwarto ni Maymay.
Sakto namang naalimpungatan si Maymay at pagbaling nya sa kanan nya, katabi na nya si Edward.
"Goodmorning May!" Bungad nito na ngiting ngiti pa.
Pakiramdam ni Maymay namumula sya, dahil sobrang bilis ng tibok ng puso nya ngayon. Bakit nandito ito sa kwarto nya ng ganitong kaaga?
Napabalikwas sya ng bangon. "Dong, anong ginagawa mo dito?"
Natawa na lang si Edward sa morning breathe nito. Wala naman syang pakialam, natawa lang talaga ito. "Babawi. Tara, pupunta tayo sa MOA."
Hindi pa din nagpaprocess sa utak ni Maymay ang lahat ng sinabi ni Edward. Hanggang sa narealize nya kaya bumabawi si Edward dahil sa nangyari kahapon. "O-okay lang. Hahahaha. Pero nagtampo ako talaga sayo kahapon. Pero okay na yun."
Edward stared at Maymay for a second. Maymay is a one of a kind person. Bihira kang makakita ng kagaya nya. She's so selfless, understanding, caring at loving type of a person. Kaya sobrang napakaswerte nya na sya ang bestfriend nya. If ibang babae na ito, sobrang nagmaktol na ito sa nangyari kahapon. But she's Maymay, the one with a big heart.
"Kaya nga sorry na. Tumayo ka na dyan at maligo na, aalis tayo." Tumayo si Edward at plano ng lumabas para makapag-ayos na si Maymay.
"Hindi mo naman kailangang bumawi," Napatingin ito kay Maymay. "Pero sige G ako! Hahaha!"
Pagkalabas naman ni Edward, naligo na si Maymay. Sa sobrang ganda ng mood nya, para bang hindi sya nag-iiiyak kahapon sa sobrang inis dahik hindi sya sinipot ni Edward. Kumakanta pa sya habang naliligo at nagbibihis.
40 minutes after, nakaalis na silang dalawa papuntang MOA. Nagjeep sila papuntang mrt.
"Mag-MRT talaga tayo Dodong? Ang dami tao dun ah? Ayaw mo ba magtaxi na lang tayo PA-MOA? Patak patak na lang tayo."
Nagbayad na si Edward sa jeep. "Ang mahal dun. Tsaka sabi ko nga di ba, babawi ako sayo so lilibre kita sa lakad nating ngayon."
Napangiti na lang si Maymay. Kung tutuusin, para sa kanya hindi naman na kailangan pa bumawi ni Edward. Dahil kahit naman nagtampo sya dito, naiintindihan nya pa rin na Edward's social life is already expanding. Hindi din naman healthy na palaging sya ang kasama nito. But the thought suddenly made her uncomfortable.
YOU ARE READING
So It's You
Romance"Yes, I must admit. How stupid of me to look for something that has always been beside me. It's a long journey of ups and downs but now I've come to realize that I should stop the wrong turns and face the truth that has been in front of me since da...