Dong, bukas na yung desserts buffet malapit sa school. Punta tayo maya after class ha. Please please. :<
Nagbabrowse si Maymay ng facebook at nakita nga nya na madaming posts na ang mga kaibigan na nakakain sa desserts buffet na kakabukas lang nung nakaraang linggo. Maaga nagising si Maymay, 10 am pa ang unang klase nya at normally, pag ganitong oras ang pasok nya, 8 am sya gumigising. Pero ngayon, 5am pa lang gising na sya. Kaya tinext na nya si Edward. Alam nya kasing gising na ito ng 5am. Fixed ang oras ng gising nito sa 5am, kahit puyat man. Naiinggit nga sya minsan dito dahil hindi hirap gumising ng maaga.
Dahil hindi natuloy ang ice cream natin kahapon, sige, mamaya G tayo. Pero pasalamat ka, dahil hindi talaga kita sasamahan kung natuloy tayo kahapon. 😎 I told you to eat healthy!
Napangiti si Maymay pagkabasa nya ng reply ni Edward. He has always been like this. May kapayatan kasi sya. Hindi sya mahilig kumain ng gulay. Kaya Edward, always bugs her to eat healthy foods. He would reprimand her pag napapansin na nito na puro chichirya na, o matatamis ang kinakain nya. Minsan, naiinis sya lalo na kapag gutom na gutom sya, at wala nang choice na kainin kundi mga ganong klaseng pagkain. Pero kadalasan, okay lang naman sa kanya.
Sa pagpasok nila, walang ibang bukambibig si Maymay kundi ang excitement nito sa pagkain sa desserts buffet. Natatawa na lang si Edward, na kahit nasa pinto na silang dalawa ng classroom, tungkol pa din doon ang topic ni Maymay.
Nabaling lang saglit ang pansin nya, ng makita si Heaven na dumaan sa harap ng classroom nila at binati sya. Dumaan lang ito, pero bakit ganon na ang epekto sa kanya? He felt as if he was the happiest man on earth.
Umupo na silang dalawa, at pagkaupo ni Maymay ay nagpasabog ito. Hindi naman mabaho pero may tunog. Hindi malakas na marinig ng buong classroom pero enough para marinig nya. Ilang beses na nyang naririnig na umutot si Maymay, whether with sounds, or with smell kaya alam na nya kung utot ba ni Maymay o hindi ang naririnig nya.
"Ay, bushak ka! Hahahaha!"
They just laughed it off. That's what makes Maymay different than other girls. Hindi sya maarte. Kung ibang babae na ito, mahihiya na ito na para bang sobrang nakakadungis ng reputasyon ang pag-utot, but Maymay doesn't care. She never cares for what other people would say especially regarding her funny and odd quirks.Lumipas ang tatlong subject nila for the whole day na ang iniisip lang ni Maymay ay ang pagkain nila ni Edward sa desserts buffet. Kain na kain na sya, na iniimagine na nya at nakalista na ang mga kukunin nya sa buffet na dessert.
Separate naman silang dalawa ni Edward for the preparation sa GA. Si Edward ay maiiwan sa Org Room para sa pagpapractice nila ni Heaven for their hosting stint. Si Maymay naman ay nasa auditorium kung saan magaganap ang GA nila. Nagpapractice ng magiging flow ng program for the event. Kaya kahit ang utak nya, ay nasa desserts na. Isinantabi na lang nya muna ang mga ito dahil kinakailangan nya magfocus sa trabaho nya bilang floor director.
"Oh, pagkatapos ng doxology papasok kaagad ang PUMASKOM chorale para sa national anthem. Tech team, sound system, mic para sa kanila nakaset na habang doxology pa lang para ipapasok na lang. Next na ang welcome remarks ng president so dapat iprepare nyo na yung podium, pati yung video na pinapalabas ni Ate Fen ha." Hindi talaga alam ni Maymay kung paano ba dapat maging floor director. Tatanggihan nya sana ang trabahong ito, kundi lang dahil kaibigan din nya si ate Fen at sa pageencourage ni Edward.
Natapos ang alloted time nila for preparation. Tuwang tuwa si Maymay habang nagliligpit ng gamit. Sa wakas, ang kanina pa nyang hinihintay na desserts, makakapunta na rin sya.
YOU ARE READING
So It's You
Romance"Yes, I must admit. How stupid of me to look for something that has always been beside me. It's a long journey of ups and downs but now I've come to realize that I should stop the wrong turns and face the truth that has been in front of me since da...