11 - Riley Avena

12.3K 413 20
                                    

11 — Riley Avena
Female


"Riley, alam mo na ba ang gagawin mo?"

"Opo, Teacher Sparks! Pinag-isipan ko pong mabuti kung paano ko magagamit ang eye ability ko sa laban nang hindi mapapansin. Sigurado po akong mananalo tayo!"

"That's the spirit! Walang dudang ang N.O. ang mananalo sa taon na 'to!"

Nagsalita lang ng nagsalita si Teacher Sparks pero hindi ko na siya maintindihan sa sobrang kaba.

Kinakabahan ako. Baka hindi mag-work ang plano ko. Hindi naman sikreto ang pagiging lampa at duwag ko. Alam ng lahat 'yon. Kaya alam ko rin... aminin man nila o hindi... na wala silang tiwalang maipapanalo ko 'to.

Pero ayokong matalo!

Kung si Lucienne at Celestine nga nanalo, ako pa kaya? Kaya ko 'to, tiwala lang!

"From Immortal City, Number Eleven."

Naglakad na ako palabas nang bigla akong

nadapa.

Ang saya, promise.

I'm Number Eleven — Riley Avena.
Eye Ability: Projecting eyes.


"I can make you feel what I feel."

Immortal CityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon