Chapter 27

3.6K 158 41
                                    


Chapter 27
Unwanted


Tatlong oras na akong naghihintay sa isang bakanteng kwarto mula nang magising ako. Labing-apat na beses ko naman sinubukan na buksan ang pinto pero hindi talaga mabuksan.

I fainted.

Again.

Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong hinimatay at nagising sa kung saan-saan na lugar. Ang kaibahan lang ngayon, ang dahilan ng kawalan ko ng malay ay mula sa taong hindi ko inaasahan.

Bakit 'yon ginawa ni Kaoru?

Iyan ang kanina ko pa iniisip habang nakaupo sa nag-iisang kama sa loob ng kwarto.

Throughout the entire encounter with Nameless Organization, Kaoru has become someone whom I treasure. I thought he was just that silly type of classmate who likes to stick with everyone. But he's more than that. I have to admit he grew on me. There's something about him that makes me connect to him. Hindi ko inakala na magiging importante siya sa'kin. Kaya naman hindi ko rin inakala na magagawa niya ang ginawa niya.

I have a grasp of what he did.

He deceived everyone and pretended to be me just like what he did for Lucienne yesterday. He stole my fight so that I wouldn't have to.

He did it for me.

Hindi ko mapigilan na maalala ang sinabi ni Daimon nang tanungin ko siya kung bakit niya binugbog si Kaven.

'I did it for you.'

I can't help but scoff.

Si Daimon at Kaoru, pareho nilang ginawa para sa'kin. At bakit? Dahil iniisip nilang hindi ko kaya. Na mahina ako, lampa, hindi kayang ipagtanggol ang sarili.

Ganoon kaliit ang tingin nila sa akin.

I may not be the best candidate to fight but I'm not so low as to impose my responsibilities to others. Everyone in Nameless Organization fought fair and square and I get to what? Escape from my fight? That doesn't sit well with me.

They think they are protecting me but what they are doing is blindly restraining me.


You are not who
you think you are, child.


Biglang may tumunog mula sa pinto na tila ba nagtatanggal ng kandado. The door opens and there I find Kaoru standing.

He looks apologetic.

I look apathetic.

He's just standing there without saying a word, probably too guilty to talk to me.

"Did I win?" diretsong tanong ko, nakatingin sa kanya na para bang wala akong pakialam kung anong sagot niya.

Tumango lang si Kaoru at hindi umalis sa kaniyang pwesto.

I stand up.

"Kumusta si Kaven?" I ask, still using my indifferent tone. Pero ang totoo ay gusto ko talagang malaman kung ano na ang kalagayan niya.

"He's injured badly but he's going to be fine after resting for a week," he says, avoiding my gaze.

I walk toward the door, passing Kaoru behind.

Ramdam ko na hindi pa rin siya umaalis sa kinatatayuan niya pero naglakad pa rin ako palayo kahit na hindi ko alam kung nasaan ako.

"I'm sorry, Celestine."

Immortal CityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon