Chapter 13

8.2K 272 40
                                    

Chapter 13
The Twenty Chosen


Last place.

It means we were too late. Too slow to qualify for the next round. We made it out of the maze but it wasn't enough. We're not good enough.

We're last place.

'Yan ang sabi sa amin ng lalake sa hologram na nakalutang sa ere. Dalawa silang lalake sa hologram at nagpakilala sila bilang host ng event. Boses din nila ang narinig ko kanina sa loob ng maze. Base sa nakalagay sa hologram, sila si Ethan at Evan.

Pinagmasdan ko ang mga kasama ko. Mukhang pare-pareho lang kami ng naisip nang banggitin na last place kami. Mula sa madilim na lugar na pinanggalingan namin, nandito na kami ngayon sa isang apat na sulok na kwarto. Hindi malayo ang itsura ng lugar na kinatatayuan namin sa isang elevator na salamin. Ang kaibahan lang, walang view na makikita mula sa salamin na 'to kundi isang pader na bakal na may pulang ilaw na lining sa bawat gitna.

"I guess we're not going to have a big shot after all," sabi ni Lucienne. "Mali nang piniling students ang Immortal City. We're not good enough for this competition. Hindi dahil may eye ability tayo ay mananalo na tayo."

Hindi ko malaman kung nang-aasar ba siya, kung nagkukunwari lang siyang matatag, o nalulungkot siya dahil mukhang hindi nga kami ang magbabalik sa dating pwesto ng Immortal City.

"Kahit na saglit lang tayo dito sa competition na 'to," umpisa ni Riley na ngayon ay kulay pula na ang mga mata, "gusto kong sabihin sa inyo na natutuwa akong makasama kayong lahat. Sorry rin kasi na-paranoid ako kanina."

Bigla nalang akong nakaramdam ng tuwa at hiya na para bang nararamdaman ko kung anong nararamdaman niya. At sa tingin ko hindi lang ako ang nakakaramdam no'n kundi kaming lahat dahil nakita kong naging pula ang mga mata ni Riley. I remember her eye ability is called projecting eyes. She can make us feel what she feels.

"Come on, Riley. Hindi pa naman tayo mamamatay." Kaoru, always the unpredictable one. Mukhang ayaw niyang maramdaman ang nararamdaman ni Riley kaya niya sinabi 'yon.

"Oo nga. Tama si Kaoru. Kaya dapat natin—" hindi na natapos ni Ione ang sasabihin niya dahil bigla nalang gumalaw ang elevator. Lahat kami ay napakapit sa isa't isa dahil sa lakas ng pwersa ng mabilis na pagtaas ng elevator.

Napatingin kaming lahat sa itaas dahil bigla nalang nagkaroon ng liwanag na sumilaw sa amin. Unti-unting lumaki ang liwanag kaya napapikit ako habang ang kanang kamay ko naman ay napatakip sa mga mata ko.

Nakarinig ako ng sigaw ng maraming tao kaya hindi ko rin natiis na hindi sumilip. I was frozen in place when I hear something.

"Currently on Rank 20, here to regain their previous ranking—Immortal City."

And then there are cheers. But a displeasing one.

They're cheering for our lost. The audience doesn't want us here. People are shouting their disbelief and disappointment.

It's discouraging.

Hindi lang ang mga sigaw ng tao sa loob ng arena ang kapansin-pansin kundi pati ang mga tao mismo. Lahat sila ay nakasuot ng pula. Babae o lalake, lahat ay naka-pula. Ang akala ko ay isang secret competition ang Di Com—kung tawagin ni Kaoru—pero bakit parang hindi. Bakit napaka-raming tao rito sa loob ng arena kung sikreto lang dapat ang lahat?

"They have positions in this country," sabi ni Rina na ngayon ko na lang ulit narinig sa isipan ko. "Sa kanila nanggagaling ang fund para sa competition. They are the ones who formed the Administration."

Immortal CityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon