Chapter 21
Wake Up Call
"Hey."
I turn to face Kaven as he approaches me. Tatlo na kami sa meeting place sa may fountain ngayong dumating siya. Me, him, and Zairus. I still kind of feel awkward not calling him kuya.
"Is it just us?" tanong ni Kaven, though not really looking at me.
"Yeah," sagot ko, "but my brother is getting something to drink. Would you like me to ask him something for you too?"
"Don't bother."
Silence.
A minute or two had passed and we didn't talk to each other again. Napakalaki ng park para sa aming dalawa na hindi naman nagkikibuan. Bakit ba kasi kailangang si Kaven pa ang makasama ko na kaming dalawa lang? Ano namang mangyayari kung hindi naman nag-uusap ang kasama ko.
"When will you two tell us the real deal between your fake sibling act?"
Nagulat ako sa sinabi ni Kaven.
Si Kaven ba talaga ang nagsalita? Talaga? Totoo? Si Kaven na kay Luna lang nagpapakita ng interes? Wow. Kinakausap ako ni Kaven.
"You don't have to respond. I just wanted to say something," sabi niya. Pero syempre hindi ko palalampasin ang pagkakataon.
"Ngayon talaga namin balak sabihin sa inyo," sagot ko. "It wasn't an act for me though. Hindi ko talaga alam na hindi pala kami totoong magkapatid. May mga panahon na nagdududa ako, but I never really wanted to make sure of it. Ayoko kasing maging komplikado ang lahat kapag nakumpirma ko ang hinala ko."
I look at Kaven and he nods in response.
Maya-maya pa ay dumating na si Zairus dala ang dalawang frappe na binili niya. Binati niya si Kaven at nag-usap 'yung dalawa. I guess wala namang problema si Kaven sa pakikipag-usap sa lalake. Or talagang mas special lang si Luna para sa kanya?
Oh my god! Si Luna!
How could I have forgotten something so important?!
"I have to go," I abruptly say, almost panicking.
"Wait," Zairus stops me. "Where are you going?"
"Sa bahay ni Luna," I answer. "Nakalimutan ko na sabay nga pala kami dapat na pupunta dito. Siguradong naghihintay pa 'yon sa bahay nila."
"Then I'll come with you."
"No, I'm fine. Kaya ko na naman ang sarili ko at saka isa pa, walang mag-hihintay sa iba pang darating."
"Pero hindi ka pwedeng umalis ng mag-isa."
"Zairus," I say and let out an exasperated breath. "I'll be fine on my own."
"I'll go with her instead."
Napatingin kaming dalawa ni Zairus kay Kaven na walang emosyon ang mukha.
I knew it. May something siya para kay Luna.
"Then come on!" sabi ko at agad na hinigit ang braso ni Kaven bago pa maka-angal si Zairus. "Siguradong kanina pa naghihintay si Luna."
Hinila ko si Kaven papunta sa pinakamalapit na bus stop. Ilang minuto rin kaming naghintay bago kami nakasakay sa isang matino na bus. Umupo na ako malapit sa may bintana at hindi ko naman in-expect na tatabihan ako ni Kaven. Kagaya kanina, hindi rin kami nag-usap. Hindi na pala talaga dapat ako nagpasama.
BINABASA MO ANG
Immortal City
Ficção CientíficaThey are special. They are different. They are chosen. They are, but not her. Celestine Demafelix was chosen, but she wasn't special. Different? Yes, because she is the only one who can't do what they can. She can't see the future. She can't make he...