Chapter 09

8.3K 273 28
                                    

Chapter 09
Training


"The difference between success and failure is a great team. A team playing without teamwork is pointless. Now remember, teamwork begins by building trust. And we are going to start building that trust now."

Sinabi 'yon ni Teacher Sparks habang isa-isa niya kaming tinitignan sa mata.

"I'll group everyone so listen carefully. Kapag sinabi ko na ang pangalan niyo, please go to your partner." Nakinig ang lahat sa sinasabi ni TS at ngayon ay hinihintay na mabanggit ang pangalan nila.

"Number Eleven, Riley and Number Seven, Drake."

Nagsama na si Riley at Drake sa isang tabi. Muntikan pang madapa si Riley nung naglalakad siya, mabuti nalang nasalo siya ni Drake.

"Number Four, Lucienne and Number Three, Zairus."

Magkapartner sila ni Kuya? Ang akala ko pa naman, sa'kin ipa-partner si Kuya Zairus dahil magkapatid naman kami.

"Number Five, Xaniel and Number Eight, Julien."

Gaya ni Riley at Drake ay nagsama sila sa kabilang side. Ngayon ko lang naisip ang purpose ng napakalaking kwarto na 'to. Napakalawak kasi talaga niya at walang ibang gamit kundi labintatlong upuan na ngayon ay hindi ko na makita. Puting-puti pa ang mga pader kaya mas lalong malawak tignan.

Teka! Nasan na nga ang mga upuan?!

"Number One, Cenon, Number Ten, Ione and Number Twelve, Van. You're the only group with three members."

Nagsama-sama na 'yung tatlo gaya ng ginawa ng iba.

"Number Two, Kaven and Number Thirteen, Luna."

Sa lahat ng nabanggit, si Kaven lang ang may kakaibang reaksyon. Ang iba kasi ay parang wala lang, pero si Kaven ay nanlaki ang mga mata nang marinig niya kung sino ang magiging ka-partner niya.

Bakit kaya?

Noong isang beses ay nakuha rin ni TS ang atensyon niya nang sabihin nito ang pangalan ni Luna.

Almost everyone got called already. The only ones left are me and...

"Number Six, Celestine and Number Nine, Kaoru."

No way in hell.

Si Kaoru ang partner ko?

Ewan ko ba pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makalimutan 'yung pagtitig niya sa'kin. Kahit na ang sabi ni Luna hindi na raw niya maramdaman ang presensya nung tumitingin sa'kin, awkward pa rin ako kay Kaoru.

Speaking of Kaoru, lumapit na siya sa tabi ko at nginitian ako ng nakakaloko.

"Since everyone already has their partners," TS begins, "I'll explain the instructions. All girls, please step inside the circle."

Magtatanong na sana ako kung anong circle ang sinasabi ni TS nang makita ko na ang sinasabi niya. Hindi ko mapigilang humanga sa nakikita ko. Unti-unting nagkakaroon ng kulay pulang guhit sa kinatatayuan naming lahat at gaya nga ng sinabi ni Teacher Sparks, lahat ng babae ay nasa gitna na ng napakalaking bilog.

Lumapit si TS sa aming mga babae at binigyan kaming lahat ng blindfold, maliban kay Luna.

Sa isang kisap-mata lang ay biglang nagkaroon ng napakaraming bagay sa loob ng bilog kung saan kami naroon. Mga matutulis na bagay na kapag nagkamali ka ng galaw, pwede kang mahiwa at matusok. Parang 'yung mga napapanood ko sa TV na laser maze security system na ang kailangan ay hindi madanggi 'yon dahil tutunog ang alarm. Ang kaibahan lang ay makikintab at matutulis na bagay ang maze na nasa loob ng circle na ito.

Immortal CityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon