01 - Cenon Thanh

46.5K 900 41
                                    

01 - Cenon Thanh
Female


"Ready?" tanong ni Drake.

Tinignan ko siya ng may pag-aalinlangan. Sigurado akong sumisigaw ang boses ko ngayon sa isipan niya.

"Alam mo na naman ang sagot, itatanong mo pa," sabi ko at umiwas ng tingin sa sobrang kahihiyan.

Lahat ng nasa utak ko alam niya. Sino ba namang hindi mahihiya 'di ba? Mamaya kung ano-ano na ang iniisip mo tapos nababasa niya pala. Though it's not like I'm thinking of...

That was close.

I almost pictured something I don't even want to see.

"Gusto ko lang manggaling mismo sa'yo kung ayos ka lang," Drake says, snapping me out of my deluded thoughts. "Besides, hindi ko naman binabasa 'yang nasa isipan mo kaya magpakita ka na, Miss Invisible."

Oo nga pala. Nakatago ako at hindi niya makita kaya hindi niya mababasa ang nasa isipan ko.

Bumalik na sa normal ang kulay ng mga mata ko at saka ako sa kanya nagpakita.

"Sa tingin mo kakayanin ko 'yung kalaban ko?" seryosong tanong ko kay Drake na ngayon ay pinagmamasdan ang dugo sa tagiliran ng labi ko. Nagkunwari nalang ako na hindi napapansin ang tingin niya at napatuloy magsalita. "Bakit kasi ako ang unang lalaban."

"You can do it," sabi niya nang ilipat niya ang tingin sa mga mata ko. "Isa ka yatang member ng Nameless Organization kung saan ang mga tao ay out of this world."

Halata namang sinabi niya lang 'yon para hindi na ako kabahan pero medyo natawa parin ako. "I can't argue with that. Mga loko-loko nga ang members ng N.O."

"Right," he says with a smile, "so relax, dear. Lahat naman kami naka-suporta sa'yo at siguradong lamang ka sa kalaban mo. Remember, hindi tayo normal tulad nila, Cenon."

Nginitian ko si Drake bago huminga ng malalim. "You're not so bad after all."

I just wish I won't disappoint them this time.

"From Immortal City, Number One."

Tinawag na ang pangalan ko. Oo, simula ng maging parte ako ng mundong ito, 'yon na ang naging pangalan ko. Ako ang unang lalaban dahil ako ang unang member ng Nameless Organization.

Ako si Number One — Cenon Thanh.
Eye Ability: Concealing eyes.


"I can make myself invisible with just a blink of an eye."

Immortal CityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon