Chapter 07

8.4K 302 21
                                    

Chapter 07
His Voice


Lahat kami ay nakatingin ngayon kay Luna na kasalukuyang tumatayo mula sa pagkakasubsob. Kahit hindi man ako kagaya ni Drake na nakakabasa ng isipan, alam kong gusto nilang malaman kung paano napadpad dito si Luna. Hindi man siguro nila kilala si Luna sa pangalan, pero alam kong maraming nakakakilala sa kanya dahil siya lang naman ang nag-iisang bulag sa Immortal City.

"H-How did you know? Paano mo nalaman ang eye ability ko?" tanong ni Teacher Sparks kay Luna. Ngayon ko lang nakita si TS na parang gulat na gulat.

"Kasi," umpisa ni Luna, "nalaman niyong may tao sa labas kahit na wala namang bintana o kahit na ano na pwedeng silipan."

Bilib talaga ako sa kanya. Kahit na bulag siya, nalaman niya pa 'yung detalye na 'yon? Siguro gano'n talaga ang mga bulag. Mabilis silang makatanda ng mga bagay-bagay at mas nagiging mapag-masid pa sila sa sarili nilang paraan.

"You're Luna White, right?" tanong ni TS kay Luna. Napansin kong nakuha nila ang atensyon ni Kaven dahil bigla siyang napatingin kay Teacher Sparks at Luna na para bang may nasabi silang sikreto na hindi dapat mabunyag.

"O-Opo, ako nga. Bakit po?"

"From now on, you are Nameless Organization's thirteenth member."

Lahat kami ay nagulat sa sinabi ni Teacher Sparks. Ang iba ay napa-'ha?' pa at isa na ako doon. Isa na rin si Luna doon. Mismong siya ay nagulat sa sinabi ni TS.

"P-Pero ayoko pong madamay sa Division's Competition na 'yan. Wala po akong balak na maging member ng Nameless Organization."

Oh, god, Luna. Saying that will not help your case. Mas lalo lang nila malalaman na ang dami mo palang narinig.

"Whether you like it or not, you are now a member of this organization. Hindi pwedeng basta-basta na lang kitang pabayaan matapos mong marinig ang pag-uusap namin. You even heard of Division's Competition which is supposed to be a secret. Isa pa, alam mo ang tungkol sa eye abilities namin kaya hindi ka pwedeng humindi."

"Pero—"

"No buts. That's final and I won't change my mind."

Hindi na naka-imik pa ang best friend ko.

"I guess that's all for today," sabi ni Teacher Sparks. "Remember to keep this a secret okay? Everyone who tried to leak information about Division's Competition ended up... dead."

Kinilabutan ako sa sinabi ni TS.

Okay, parang gusto ko na rin mag-back out. Ayoko pa mamatay ng maaga gusto ko pa bumuo ng sarili kong pamilya.

But when I think about it, kaya siguro hanggang ngayon wala pang nakakaalam ng tungkol dito ay dahil lahat ng nagtangkang ipagkalat ito sa publiko... ay namatay.


Pinanood kong magsi-alisan ang mga ka-miyembro ko. Nang kami nalang ni Kuya, Luna, at TS ang naiwan, nagsimula ulit si Kuya na makipagtalo.

"Don't drag my sister in this competition," seryosong sabi ni Kuya kay Teacher Sparks. "Wala akong pakialam kung anong gusto niyong mangyari sa'kin pero hindi ko hahayaang mapahamak si Celestine."

"Like what I told you before Zairus, I'm here to help all of you."

"Paano naman po ako?" biglang sabat ni Luna. "Tutulungan niyo sila sa eye abilities nila, 'di ba? Anong mangyayari sa'kin? Member ako ng Nameless Organization pero wala naman akong eye ability, ang mas malala pa niyan, bulag ako."

Immortal CityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon