Chapter 06

8.2K 312 32
                                    

Chapter 06
Thirteenth


"Hindi kasalanan ng kapatid ko na wala siyang eye ability. Ikaw ang mali ng pagpili, Sparks."

Pinanood ko si Kuya makipagtalo kay Teacher Sparks. Pakiramdam ko hindi ako belong sa Nameless Organization. Kasalanan ko ba na wala akong eye ability?

Napa-upo nalang ulit ako at tumungo.

"Hindi mo kasalanan." Nagulat ako nang may marinig akong magsalita. Hindi naman 'yon boses ni Rina dahil ang boses ni Rina ay pambabae.

"Ako 'to, si Drake. At oo, hindi ako boses babae. Obvious naman, 'di ba?" Nagulat ako nang makita si Drake sa tabi ko. Pero ang mas ikinagulat ko ay nababasa niya ang nasa isipan ko!

"Y-You can read minds?"

"Ano sa tingin mo?" Bigla akong nakaramdam ng hiya. Ibig sabihin, alam niya 'yung mga pinag-iisip ko kanina. Ahhh! Nakakahiya talaga.

"It's not normal for a person to have dominant red eyes. I'm sure she has an eye ability," rinig kong sabi ni Teacher Sparks.

"I've been with her my entire life. Her eyes never turned into any other color. Tanda ko bawat araw na magkasama kami kaya sigurado akong walang eye ability si Celestine. Don't drag her into something she would be out of place!"

Hindi ko maintindihan kung galit na ba si Kuya o talagang pinoprotektahan niya lang ako.

"Mahal na mahal ka ng kuya mo, 'no?" nakangiting tanong ni Drake.

"Oo naman. Magkapatid kami, e. Syempre mahal ko rin si Kuya bilang kapatid," sabi ko at mukha namang naguluhan si Drake.

"Talaga? Magkapatid kayo? E, bakit parang iba 'yung—"

"Hoy, Drake! Kung mambababae ka 'wag ang classmate ko!" Kung hindi ako nagkakamali, boses 'yon ni Kaoru. Natigil ang pagtatalo ni Kuya Zairus at Teacher Sparks dahil sa pagsigaw niya.

"Gago. Kinakausap ko lang ang classmate mo!" sigaw pabalik ni Drake. Natatawa ako dahil hindi naman sila gano'n kalayo sa isa't isa pero nagsisigawan sila. Parang mga tanga.

Nagkatinginan si Kuya Zairus at Teacher Sparks bago huminga ng malalim si TS.

"We may not know whether Celestine has an eye ability or not, but I already chose her to be a part of Nameless Organization. A user of eye ability or not, she's still a part of the team. Maliwanag ba?"

Natahimik ang lahat at naramdaman ko na lang na lumamig ang paligid. Bakit gano'n? Parang may kakaiba akong nararamdamang presensya?

"Number Seven, Drake Parker, you're a mind-reader right? I would call your ability stealing eyes," sabi ni TS kay Drake.

"Stealing eyes?" tanong ni Drake at napakamot pa siya sa ulo. "Bakit stealing? Para namang ang sama kong tao, teacher."

"Stealing would be perfect because you're reading our minds without our permission," paliwanag ni TS. "Hindi ba tama ako? Now, this is a special rule for you, Number Seven. Never read our minds unless it's needed," seryosong sabi ni Teacher Sparks kay Drake. Tumango naman si Drake na para bang labag pa sa loob niya.

"Julien Ruiz, Number Eight," biglang lipat ni TS kay Number 08 na Julien ang pangalan. Kanina pa siya seryoso at parang nakakatakot lapitan. Ako na ang naiilang para kay Teacher Sparks dahil napaka-cold ng tingin ni Julien habang si TS naman ay ngiting-ngiti. "Tell me your ability."

Immortal CityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon