10 - Ione Alcazaein

12.7K 434 13
                                    

10 - Ione Alcazaein
Female


I'm in big trouble.

Bakit kasi ang pangit ng eye ability ko? I want something badass like Xaniel's or Kaoru's ability. But if I really get the chance to pick one, I'd choose Cenon's power. Everybody wants to be invisible. Everybody. Aminin na natin, pangarap natin 'yan noong bata pa tayo. It's either invisibility or flying.

Though I do like to pretend that my ability is awesome.

But this time, pretending isn't enough.

Paano ko naman magagamit ang eye ability ko sa laban? Titignan 'yung future attacks nila gano'n? Even if I can see it, probability will confuse me. I've never been confident with my ability. Siguro para sa iba ang cool ng ability ko, but honestly speaking—and based on experience—it sucks.

Hindi ko naman pwedeng kumbinsihin si Kaoru na siya na lang ang lumaban para sa'kin. Dalawang beses na siya sumalang at halatang mahirap kalaban 'yung part ng kay Celestine. Besides... kailangan ko na tumigil sa pagdepende kay Kaoru.

Kaming apat... hindi na kami mga bata tulad ng dati.

"That's right. Hindi na tayo mga bata."

Oh, please. "Sasapakin kita, Drake, makita mo. 'Wag kang bigla-bigla nalang nagsasalita."

"That's exactly what you have to do."

Gusto niyang sapakin ko siya?

"Do it," sabi niya at inihanda ko na ang kamay ko. "Tignan mo 'yung possible attacks ng kalaban mo. Ayon ang pinaka magiging gamit ng eye ability mo."

Oh.

Badtrip 'to ah.

"Aray! Ano? Ba't ka nananapak?" Oo. Sinapak ko siya. Hindi ko napigilan.

"Bwisit ka kasi! Sabi mo hindi mo babasahin ang nasa isip ko, e anong ginagawa mo? Bwisit ka!"

"Ako pa talaga ang bwisit? Sino satin ang nanapak?! Gusto ko lang malaman kung may plano ka na! Paano 'pag nakahandusay ka na doon at wala nang malay? Gagawin nanaman akong tissue ni Julien 'pag nagkataon!"

"BAKIT KAILANGAN SUMISIGAW?!"

"KASI SUMISIGAW KA!"

"HINDI KAYA!"

"OO KAYA!"

"HINDI NGA KASI—"

Biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang isang lalakeng nakakunot ang noo.

"ANO BA KAYONG DALAWA?! PARA KAYONG MGA BATA! TUMAHIMIK KAYO, OKAY?! SHADDAP!"

Sabay kaming pumulot ng maibabato ni Drake.

"TUMAHIMIK KA KAORU!"

"From Immortal City, Number Ten."

"OH, AYAN TINATAWAG KA NA! MAMBABATO PA TALAGA KAYONG DALAWA, HA! KAKAMPI KO ANG TADHANA. HINDI NIYO MATATAMAAN ANG NAG-IISANG KAORU THE GREA—"

Ako si Number Ten — Ione Alcazaein.
Eye Ability: Travelling eyes.


"I can see the past and the future."

Immortal CityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon