Chapter 04
Nameless Organization
Sa loob ng isang hindi kapani-paniwala dahil sobrang laki na classroom, naroon kaming labindalawang estudyante kasama si Teacher Sparks. Oo, Irene Sparks ang pangalan ng babaeng teacher na kanina pa raw excited. Ang sabi niya, teacher daw ang itawag namin at hindi ma'am para "cool". Pwede rin naman daw namin siyang tawaging TS dahil masyadong mahaba kapag Teacher Sparks.
Nagsimula nang magsalita 'yung isang babaeng estudyante na ngayon ko palang nakita. Ang sabi kasi ni Teacher Sparks, lahat daw kami ay magpapakilala.
"Ako si Cenon Thanh," sabi niya at mukhang nahihiya pa. "Class III-B. Ang sabi sa'kin ni Sir Takano, ako raw ang Number One. Para saan po ba 'yon Teacher Sparks?"
"Don't worry, dear. I'll explain everything later," sabi naman ni Teacher Sparks. "For now, gusto ko munang kilalanin niyo ang isa't isa."
"Kami lang?" tanong ni Kaoru. "Kami lang ang kikilala sa isa't isa? Bakit hindi kayo kasama?" Halata ang pagdududa sa kanya.
"Because I already know each one of you, Kaoru del Valle. But of course, I'll introduce myself too."
Mukha namang wala nang may balak pang magtanong kaya nagsimula na ulit magpakilala ang lahat.
Labindalawa kaming estudyante at siguradong matatagalan ako bago ko masaulo ang mga pangalan nila. Apat lang ang matagal ko nang kilala at 'yon sina Lucienne, Kaoru, Ione at si Kuya Zairus.
Ngayon ko lang naintindihan 'yung sinabi ni Sir Takano na Numbers. Naka-depende ang Number namin sa pagkakasunod-sunod namin dumating. At dahil ako ang pang-anim na pumunta dito, ako si Number Six. Ang hindi ko pa rin talaga maintindihan ay kung bakit kailangan pa ng gano'n.
Nagulat ako nang biglang magsalita si Rina, 'yung ID ko. Pero bakit parang ako lang ang nakakarinig kay Rina?
"Number Six, here's the list of Nameless Organization's members," ang sabi niya.
Mula sa itim kong ID ay nagkaroon ng listahan ng mga pangalan.
Number 01 — Cenon Thanh
Number 02 — Kaven Slade
Number 03 — Zairus Demafelix
Number 04 — Lucienne Starr
Number 05 — Xaniel Velasco
Number 06 — Celestine Demafelix
Number 07 — Drake Parker
Number 08 — Julien Ruiz
Number 09 — Kaoru Del Valle
Number 10 — Ione Alcazaein
Number 11 — Riley Avena
Number 12 — Van Veridiano
"I'll teach you the basics of using your ID," biglang sabi ni Teacher Sparks. "A normal ID card stands for identification card. Our ID stands for innovative device. It was made and developed by the Administration. This thing is one of their finest inventions."
Tinignan ko lang si Teacher Sparks at ang ID ko. Kung hindi ako nagkakamali, nabanggit na rin ni Sir Takano 'yung the Administration kanina. May Nameless Organization na nga, may the Administration pa. Hindi ko na talaga makuha ang mga sinasabi nila.
BINABASA MO ANG
Immortal City
Science FictionThey are special. They are different. They are chosen. They are, but not her. Celestine Demafelix was chosen, but she wasn't special. Different? Yes, because she is the only one who can't do what they can. She can't see the future. She can't make he...