Chapter 30

3.2K 135 9
                                    

Chapter 30
Number Nine


"Immortal City."

Eleven tense faces perk at Mitsuru Aoki's voice. All members of Nameless Organization, except for Kaven and Luna, are currently here inside his office in the Administration Building—the one place forbidden to any student from entering.

With his mischievous stare, I can't seem to read Mitsuru Aoki. He's as difficult to understand as Daimon Clyde and it irritates me.

"I have to say," Mitsuru Aoki smiles, "that was quite a scene."

Agad ko siyang pinanlisikan ng mata dahil alam ko na ang tinutukoy niya ay ang nangyari kay Luna.

"It's not a laughing matter," I scorn.

Tinignan ako ni Mitsuru Aoki mula sa kinauupuan niya at kagaya ng mga nauna niyang ekspresyon ay hindi ko pa rin ito mabasa.

"No one is laughing," he replies with a smile that doesn't meet his eyes. "Please, Miss Demafelix. Do calm down."

Something about what he said ticked me off and I can feel myself burn with rage.

"Calm down?" I scoff. "Are you seriously telling me to calm down after what they did to Luna?"

Ramdam ko na nakatingin na sila lahat sa akin, marahil ay nagtataka kung paano ko nagagawang pagtaasan ng boses ang may pinakamataas na posisyon sa Administration. Maybe it's because he's a previous member of Nameless Organization, or because he seems to be important to Teacher Sparks, or maybe because I feel a strange connection to him that I had the nerve to talk to him like that.

Mitsuru Aoki remains unfazed though.

"I hope you don't forget this is a competition," he says, "and that all of you willingly participated."

May inabot siya sa kanyang lamesa na parang maliit na remote at pinindot ito. Agad na may lumabas na hologram screen sa ibabaw ng lamesa hindi lalaki ng dalawang dangkal ang taas.

"I do agree it was more severe than usual," sabi niya at sumenyas sa hologram na ngayon ay pinapakita ang nangyari kay Luna.

Mariin ko na tinikom ang dalawa kong kamay dahil sa pinapalabas sa hologram. Tahimik lang na magkasama si Luna at Seine sa gilid ng west wing nang biglang may dumating na mga lalake mula Black Rook. Agad na inalalayan ni Seine si Luna at pinatayo sa likuran niya bilang depensa.

Saglit silang nag-usap, hindi rinig sa hologram ang sinasabi nila pero sa palagay ko ay kinukumbinsi nila si Seine na iwanan si Luna. Nang hindi pumayag si Seine ay saka siya sinuntok ng isa sa mga lalake. Nanlaban si Seine pero sadyang mas marami ang kalaban niya at 'di nagtagal napaghiwalay nila si Seine at Luna.

Unti-unting dumami ang mga estudyante galing sa iba't ibang school. Easton, Northvale, Rivendell, Sta. Cecilia—halos lahat ay kasama sa mga estudyante na pumalibot kay Luna.

Dito na sila nagsimulang ipagtulakan si Luna sa isa't isa hanggang sa bumigay na ang mga binti niya. Kung ano-ano ang ibinato nila kay Luna habang nagtatawanan.

Nanlabo ang paningin ko dahil sa namumuong luha sa mga mata ko. Pansin ko na hindi makapaniwala ang mga kasama ko sa pinapakita sa hologram. Ito ang unang beses na nakita nila ang nangyari. Lahat sila ay nararamdaman ang galit na nararamdaman ko. Napatakip si Riley ng bibig at walang ingay na umiiyak. Kagaya ko ay nakatikom din ang mga kamay ni Zairus sa tabi ko, hindi maalis ang tingin sa hologram.

"What they did was definitely against the rules of the school set-up of Level 1," sabi ni Mitsuru Aoki. "Every participating school is guilty of enacting violence." Tinitigan niya ako bago muling magsalita, "Every school."

Immortal CityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon