Chapter 17
Threat
Maulap ngayon. Hindi sobrang liwanag, hindi rin sobrang dilim. Mukha namang hindi uulan pero malakas ang pakiramdam kong kakailanganin ko ng payong. Kanina pa ako nakatingin sa langit kahit na kanina pa rin nagsasalita sa stage si Sir Takano. Sinasabi niya ang mga dapat at 'di dapat gawin sa paglabas namin ng school premises at iba pang may patungkol sa araw na 'to. Nakahanay lahat ng third-year high school sa kani-kanyang section, alphabetically arranged.
Ilang oras lang ang naitulog ko dahil gabi na rin kaming nakauwi ni Kuya Zairus. Kahit na pagod na pagod na ako kagabi, hindi pa rin ako nakatulog ng maayos dahil sa kakaisip sa sinabi ni Kaoru.
I was the third person to come.
I was the third person to come.
I was the third person to come.
I was the third person to come.
Paulit-ulit kong iniisip 'yan kagabi kahit na hindi naman dapat. A part of me knows there is a great chance a fellow student was the first one to come. A part of me subconsciously thinks that it has something to do with what I've heard from TS and Sir Takano, and the hunter insignia I found.
Nandito na nga rin pala si Lucienne. Nang tanungin namin siya kanina kung anong nangyari, ang sabi niya sumama raw ang pakiramdam niya at umuwi kaya bigla nalang siyang nawala. Marami sa amin ang hindi na nagtanong pa, pero halata sa mukha ni Drake at Kuya Zairus na hindi sila naniniwala sa dahilan ni Lucienne. Hindi ko maintindihan kung bakit siya nagsisinungaling. Bakit hindi niya sinabi na itinago siya ni TS at Sir Takano. Posible kayang kasabwat si Lucienne sa nangyari kahapon?
"Celestine!"
Nawala sa langit ang tingin ko nang biglang may tumawag—sumigaw—ng pangalan ko. Ilang pares ng mga mata ang ngayon ay nakatingin sa akin at kasama na doon si Sir Takano.
Oh, great.
Sinundan ko ang sunod na tinignan ni Sir, nagbabakasakaling tignan niya kung sino man ang may napakalakas na boses na tumawag sa'kin. Hindi naman ako nabigo nang makita ko ngayon ang isang lalakeng nakangiti at may pakaway-kaway pang nalalaman.
I ignore him.
"Mister del Valle," tawag ni Sir Takano kay Kaoru mula sa stage gamit ang mic. "Please be aware that students have to maintain silence. And next time, try to bring a wall clock with you. It seems that a simple watch cannot tell you what time it is now."
Nagtawanan ang ilang hanay ng estudyante at napatakip nalang ako ng mukha. Kahit kailan talaga 'to si Kaoru, puro nalang kahihiyan ang ibinibigay sa'kin.
Napakamot lang sa ulo si Kaoru at pumunta na siya sa pwesto niya. At dahil ang apelyido ng late na lalakeng 'to ay del Valle, halos katapat ko lang siya dahil Demafelix ako.
'Di rin nagtagal ay natapos na si Sir Takano ang kung ano mang sinabi niya. Ngayon ay papunta na kami sa designated bus na sasakyan namin. By section ang bus kaya halos kami-kami lang din na magkakaklase ang magkakasama. Kanina pa ako kinukulit ni Kaoru pero hindi ko pa rin siya pinapansin. Nagulat nalang ako nang bigla niyang hilahin ang kamay ko at hinarap sa kanya.
"So what? You're just going to ignore me?" he says. "Do you have any idea how awkward it is to wave at someone only for you to be ignored completely? I want to tell them, 'No, I swear, I know this girl.'"
"Then you shouldn't have screamed my name like I was freaking lost in the first place," I snap back.
"Wow. I am totally crushed," he says and I let out an exasperated breath. "So," he starts, all smiles now, "wanna sit beside me?"
BINABASA MO ANG
Immortal City
Ficção CientíficaThey are special. They are different. They are chosen. They are, but not her. Celestine Demafelix was chosen, but she wasn't special. Different? Yes, because she is the only one who can't do what they can. She can't see the future. She can't make he...