Isa.
Dalawa.
Tatlo.
Kahit ilang segundo pa ang lumipas, kahit gaano katagal pa sila maghintay, kahit ilang beses pa nila subukan—hindi na muling babangon ang katawan na ngayon ay nakaratay sa kanilang harapan.
Wala na si Celestine.
Hindi malaman ni Luna kung ano na ang nangyayari sa loob ng silid kung nasaan sila ngayon. Hindi niya malaman kung bakit kanina pa sumisigaw si Zairus at pilit na ginigising ang matalik niyang kaibigan. Hindi niya malaman kung bakit maging siya ay puno na ng luha ang mga mata, at kung bakit ramdam niya sa kanyang sarili na wala na—wala na rito ang pinakamamahal niya.
Wala na si Celestine.
Sa labintatlong pares ng mga mata na narito ngayon ay tanging kanya lang ang hindi nakakita ng nangyari.
It was otherworldly. How Celestine's limbs steadily paralyzed, her complexion turning gray. How her skin slowly hardened, starting from the tip of her fingers, gradually spreading throughout the entirety of her body. And how she lifelessly fell to the ground like a mannequin. Like it was only a vessel that can no longer be used.
Like it was only a shell.
Has it finally come? Is this really the day they have all been waiting for?
Mula sa pagkakatago ay gusto nang umalis ni Misael para kumpirmahin ang bagay na matagal na niyang pinaghahandaan. Gusto na niyang malaman kung totoo nga ba ang mga salitang binitiwan sa kanya ng nakaraan, na sa wakas, sa araw na ito ay muling magbabalik ang tao na iilan na lamang ang nakakikilala.
Pero hindi pa pwede. Mayroon pa siyang obligasyon na kailangang tapusin bilang Mitsuru Aoki.
Ever so lightly, despite the painful memories the dreary room brings forth, he steps inside.
Lahat ng may kakayahan ay agad na napatingin sa kanya. Puno ng balisa, takot, at pagkalito ang mga matang nagtatanong kung bakit ganito ngayon ang estado ni Celestine.
"Sir..." mahinang bigkas ni Kaoru na nakatingin sa kanya.
Even the four children under Misael's supervision couldn't grasp what's happening. The girl they were supposed to protect with their life... is now sprawled on the cold hard floor, lifeless.
"Anong ginawa niyo kay Celestine?!" It's Zairus who meets Misael's gaze with so much hostility, who's quick to reach for the man's collar in violent anger. "Answer me, what the fuck did you do to her?!"
Agad na pinigilan ni Drake ang kaklase, hawak ng mahigpit ang magkabila nitong braso. Pero hindi pa rin maapula ang matinding galit ng kaibigan na patuloy ang pagpupumiglas at pagsigaw sa pinuno ng Administration.
"Bring her back! Bring Celestine back!"
"Stop it, Zairus!"
Tanging si Luna lang ang tila hindi nakakarinig sa kagaluhan. Sa kabila ng ingay na malabo sa kanyang pandinig ay lumuhod siya para yakapin sa kanyang kandungan ang katawan ng matalik na kaibigan. "Celestine..." Marahan niyang hinaplos ang malamig na pisngi nito, hindi mapigilan ang sariling paghikbi. "Iniwan mo na naman ba ako?"
Ang iba ay walang ibang magawa kung hindi mapirmi sa kanilang pagkakatayo, may kanya-kanyang tanong sa mga isipan, hanggang ngayon ay naguguluhan. Pinapangibabawan ng takot at kaba.
Nilagpasan lamang ni Misael ang tumayong kuya ni Celestine, at kaakibat nito ang sumunod na katahimikan. Lahat ay nakaabang sa kanyang bawat galaw. Namumukod tanging mga hikbi na lamang ni Luna ang maririnig sa madilim na silid.
BINABASA MO ANG
Immortal City
Fiksi IlmiahThey are special. They are different. They are chosen. They are, but not her. Celestine Demafelix was chosen, but she wasn't special. Different? Yes, because she is the only one who can't do what they can. She can't see the future. She can't make he...