Kabanata 14

60K 1.4K 292
                                    

Kabanata 14

Ex

"Leader?" marahang tawag ko sa pangalan niya. "Kailangan mo pa ba talaga akong ihatid?" naguguluhang tanong ko habang tinitignan siyang bitbit ang bag ko.

Pinasadahan niya pa ako ng tingin bago tumango at ngumiti sa akin. Hindi na ako sumagot.

Nasa alas sinco pa lang ng hapon at alam ko rin na uwian na namin. Hindi naman na ganoon kasama ang pakiramdam ko pero kaya ko naman na sanang umuwi pero hindi pumapayag si Leader na hindi siya sa kasama.

Inaalalayan niya pa akong makatayo at wala sa sarili akong napatingin sa kaniya. Seryoso at nakakunot pa ang noo. Ano naman kayang problema niya ngayon?

"I really hate it when your sick," bulong niya pa na narinig ko naman.

Hindi na lang ako sumagot. Lumaki kasi akong sakitin kaya mas naging overprotective sa akin sila mama. Sabi kasi nila na hindi ako kagaya ni ate na malakas ang pangangatawan. Hikain pa man din ako kaya mas kailangan kong mag-ingat. Iyon din ang dahilan kung bakit mas gusto kong naglalakad para masanay ang katawan ko sa ganoong klase ng pagod. Mas mainam din kasi 'yon para sa sakit ko.

Habang nag-lalakad kami ay kapansin-pansin ang mga taong tumitingin sa amin. Paano ba naman kasi? Nakaakbay sa akin si Leader na para bang sinusuportahan ang bawat lakad ko.

People would probably think ill about me. Who wouldn't? I am being too close to their prince charming.

"Bakit sila magkasama?"

"Si Desdemona 'yan, right? She's really pretty but I hate her."

"I've heard na Jameson is courting her. Pumayag nga siyang maging date ni James e!"

Gusto ko sanang mapatigil dahil sa mga naririnig ko. What did I do to receive those hateful words? Kasalanan ba talagang mapasama sa isang Leader Ellington?

Napanguso pa ako sa huli kong narinig. Hindi naman ako nililigawan ni Jameson. Pumayag akong maging date niya pero malayo 'yon sa panliligaw.

"Don't mind them," he whispered. I

I just nodded my head. Bahagya akong napayuko at nagpatuloy sa paglalakad na para bang walang ibang taong nakakakita.

"Dea!" si Van ito. Tinis pa lang ng boses ay alam ko na.

Huminto ako at tsaka ko siya nilingon. Humahangos pa ito habang nakatingin sa amin ni Leader.

"Uuwi ka na?"

Tumango ako. "Oo, sasama ka?"

"Hindi na!" sinulyapan niya pa ng tingin si Leader bago umirap. "May pupuntahan kami ni Mommy e. I'll buy you some pasalubongs na lang, okay? Love you, baby girl!"

Akmang hahalik sa akin sa pisngi si Van nang harangin siya ni Leader. Sinamaan niya ito ng tingin bago itinulak. Mahina lang naman 'yon pero nagulat pa rin ako.

"What the heck, Ellington?"

"Tss," umismid si Leader. "Baby girl your weird face, Van. Stop flirting with my girl!"

"Aba talagang-" napahawak si Van sa batok niya at napapikit pa. Galit niyang tinignan si Leader. "Hoy, lalaki! Hindi ko nilalandi si Dea! Gusto mo bang sumabog kaming dalawa? Nakakakilabot!"

Napamaang lang ako at palipat-lipat ang naging tingin ko sa kanila. Bakit ba sila nag-aaway na dalawa? Wala naman akong ginawang masama? Hala!

"Uy...tama na." mahinang awat ko.

One Beautiful Mistake (Ellington Series #2) (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon