Kabanata 31
Touch
"S-Sorry..." I sighed, "I c-can't..."
I cried silently while watching their reactions because of my answer. The idea of marrying Leader is too ideal for me. I can't just marry him, after all, that happened to us. Oo, napatawad ko na siya at handa akong bigyan siya ng pangalawang pagkakataon but marrying him? No. I don't want him to marry me just because we have Freeda, ayokong ganoon lang.
It takes more than that to get my yes.
Gulat sila dahil sa sinabi ko. Ako man ay nasasaktan dahil mahirap ito para sa akin at nakakahiya dahil sa harapan pa ng mga kaibigan at kadugo niya. Si Devy naman ay nanatiling seryoso ang mukha kagaya ni Forbid. Ang iba naman ay mukhang hindi talaga makapaniwala dahil sa sinagot ko.
This is Deen Leader Ellington down on his bended knees, asking me to marry him. Kung ibang babae ang tinanong niya ay tiyak na papayag kaagad.
"Let's go, Mama," Freeda said as she held my hand. "Umuwi na po tayo."
Ngumiti ako at tumayo. Hindi ko alam kung bakit bigla akong niyayang umuwi ni Freeda pero nagpapasalamat ako dahil doon. I'm starting to feel uneasy because of the atmosphere right now.
Nakaluhod pa rin si Leader at nakayuko. He was too shocked that he couldn't get up on his own. I felt guilty for a minute. Is it so wrong to reject someone? I'm not rejecting him for life! I just think we're going too fast and it feels so wrong! I want to take it slow, I want him to understand and earn me again. Is it so hard to get the point?
"Stand up, Lad," Devy said, tapping her brother's shoulder. "That's fine."
Hindi ko na sila nilingon ulit. Tumalikod na ako kasama si Freeda para makauwi na.
Noong araw na iyon ay dumiretso kami sa bahay. Nakita ko kaagad si Van na nagluluto sa kusina habang sumasayaw sa kantang pinapatugtog niya.
Wala man lang kaming rides na nasakyan. Siguro ay nanghihinayang si Freeda pero dahil inintindi niya ako, hindi niya na inisip ang sarili niyang kaligayahan. Hindi bale, ako na lang ang magdadala kay Freeda ro'n sa susunod.
Pinatay muna ni Van ang stove bago kami nilapitan. Una niyang hinalikan sa pisngi si Freeda dahil mabilis na tumakbo ang anak ko papunta sa kaniya.
"Aga niyo naman? Alas tres pa lang!" nakita ko ang pagtataka sa mukha ni Van habang lumalapit sa amin. Humalik siya sa aking pisngi. "Bakit maga ang mata mo, girl?"
"Mama cried because Papa asked for her hand."
Tiningnan ko ang anak kong ngayon ay nakaupo sa isa sa mga upuan sa dining area. Pinaglalaruan niya pa ang kaniyang mga daliri habang tinitingnan kami ni Van.
"Oh my gosh! Ano'ng sinabi mo? Tears of joy ba 'yan?" ngising aso niyang tanong.
"She rejected him," sabat ulit ni Freeda dahil hindi ako nakasagot.
Nanlaki ang mga mata ni Van habang nakatingin sa akin. Pati siya ay nagulat dahil hindi ko pinaunlakan si Leader. Gusto ko lang naman makasigurado dahil noon ay naging padalos-dalos ako sa mga desisyon ko at hindi naging maganda ang mga resulta no'n. Ngayon ay gusto kong pag-aralan at matutunan muli ang lahat. Wala naman sigurong masama kung hindi ko mamadaliin ang lahat.
Kinuwento ko kay Van ang lahat habang kumakain kami. Kahit ang parteng brokenhearted si Leader dahil kay Virgin ay sinabi ko. At isa pa, may chance naman talaga na baka mahal pa ni Leader si Virgin kaya hindi malabong gamitin niya ako para makalimot.
BINABASA MO ANG
One Beautiful Mistake (Ellington Series #2) (Published Under PSICOM)
Ficción GeneralDesdemona Astrea Costello, an ordinary girl as well as a scholar student. She is very obedient and well-loved by her parents. Hindi siya kagaya ng ibang bata na lumaking spoiled dahil simple at mahiyain ito. Madalas ay tahimik at ang kaibigan lang n...