Kabanata 30
Deal
"Wow..." manghang bulong ni Freeda habang nakatingin sa iba't ibang rides dito sa Enchanted Kingdom.
Ngayon lang din ako nakapunta dito kaya kahit ako ay namamangha. Ang ganda naman sa lugar na ito! Pakiramdam ko ay bumabalik ako sa pagkadalaga ko noon.
Nakabili na kami ng ticket at ayon kay Leader, kahit anong gustuhin naming subukan dito ay pwede. I would like to try the flying fiesta but it looks pretty extreme. Nakakatakot at paano na lang kung mahulog ako?
"Let's eat first. Light snacks lang para hindi tayo mahilo mamaya sa mga rides." Naglakad kami papunta sa mga stall na nagbebenta ng mga pagkain.
We ate some corndog and juice. Si Freeda ay halatang tensyunado habang ngumunguya pa. Sana ay maging masaya ang anak ko ngayong araw na ito.
Halos mapatalon ako nang napatingin ako kay Leader na nakatingin pala sa akin. Hindi ko alam kung dapat ko rin ba siyang tingnan o hindi na lang. It's not like I want to stare at his tantalizing eyes anyways. Mahirap na.
"Baby..." napatingin ako ulit kay Leader na nakatingin kay Freeda.
Uminit bigla ang pisngi ko. Akala ko ako ang tinawag niya, si Freeda naman pala! Why are you so assuming, Dea? You're no longer a baby!
Nakita ko ang pagngisi ni Leader sa akin kaya inirapan ko lang siya. Napakaewan din talaga ng isang ito. Akala mo kung sinong gwapo!
"Still hungry?" he asked Freeda.
She shook her head. "No."
Tumingin sa akin si Leader na para bang naghihintay ng sagot ko. He raised a brow while looking at me. Seriously, anong problema ng lalaking ito?
"Dea—"
"German cheesedog daw ito pero lasang tig kikinse lang!" rinig kong sabi ng isang babae.
Pamilyar sa akin ang boses na iyon, hindi ko lang matandaan kung saan ko ba ito narinig noon pero sigurado akong narinig ko na.
"You're so stupid talaga, Goo!" ani ng isang maarteng boses ng babae, "it's a local food! Stop complaining and eat na lang."
"Come on, Hell? This one is pretty expensive for an ordinary hotdog!" reklamo pa nito.
Hell? Saan ko nga ba ulit narinig ang pangalan na iyon?
Tiningnan ko ang gawi ng mga nagsasalita. Ganoon na lamang ang gulat ko nang makita ko ang mga pamilyar na mukha sa akin. Mabilis kong sinulyapan si Leader at naabutan ko siyang nagmumura sa gilid habang nakatingin sa dako ng mga nagsasalita.
Kamaganak niya ang mga iyan at sigurado ako ro'n. Kasama nila si Legend na nakaakbay ngayon kay Devy habang si Hell ay kumakain ng hotdog at may kinakausap na lalaking matangkad at may malaking pangangatawan din. I even saw that mystery girl but her hair right now is pure silverish white, she's with Google and Sylvester. Iyon ang Ellington na nakita ko noong nakaraan sa school ni Freeda!
Biglang tumingin sa amin si Legend at nanlaki pa ang mga mata habang tinuturo kami.
"Mona!" he screamed.
Napanganga ako nang lahat sila ay lumingon sa amin. Naramdaman ko ang paghawak ni Freeda sa braso ko dahil biglang lumakad papunta sa amin ang grupo nila Legend.
Ilang beses pa akong napalunok na para bang kinakabahan. I am pretty sure that most of them were part of the Ellington. Hindi ko inaasahan na rito ko pa makikita ang iilang kamaganak niya na hindi ko naman nakita noon.
![](https://img.wattpad.com/cover/155153799-288-k981590.jpg)
BINABASA MO ANG
One Beautiful Mistake (Ellington Series #2) (Published Under PSICOM)
Ficción GeneralDesdemona Astrea Costello, an ordinary girl as well as a scholar student. She is very obedient and well-loved by her parents. Hindi siya kagaya ng ibang bata na lumaking spoiled dahil simple at mahiyain ito. Madalas ay tahimik at ang kaibigan lang n...