Kabanata 29

74.1K 1.8K 1.8K
                                    

Kabanata 29

Truth

"Dea," tawag niya sa akin, "Your daughter... Is she my daughter?"

"She's your daughter, Lad," mahina kong sabi.

Nasa kwarto kaming dalawa ngayon at iniwanan si Freeda sa sala. Sana lang ay maayos si Freeda ro'n. Alam niya ang mga nangyayari ngayon kaya hindi na ako magtataka kung may iniisip siya.

Gulat na gulat si Leader sa harapan ko. Hindi ko alam kung bakit parang hindi siya makahinga at namumutla pa. May masakit ba sa kaniya?

"H-How?" naguguluhang tanong niya, "akala ko si J-Jameson ang ama?"

"You fucked me, right?" I said without filtering my words. There's no need for sugar coating.

He pulled me for a hug. "Damn! I didn't- fuck, Dea! I knew it!"

Naguguluhan ako kaya humiwalay ako sa yakap niya sa akin. Ano ba talagang nangyayari sa lalaking ito? Siguro ay nabigla lang siya.

"I've been following that kid, Dea. Lagi niya akong sinusungitan pero hindi talaga siya mawala sa isip ko," paliwanag niya pa sabay sabunot sa buhok niya, "I'm so stupid! God, what did I do?"

Pinanood ko lang siya habang kinakausap niya ang sarili niya. Hindi na siya mapakali sa kinatatayuan niya ngayon.

"Fucking shit, Leader! You son of a bitch! What did you do?!" galit niyang sabi sa kaniyang sarili sabay suntok sa pader.

Hinawakan ko ang braso niya para awatin siya. Namumula na ang kaniyang mga mata at ilang sandali lang ay tumulo na ang mga luha niya. Wala sa sarili ko siyang niyakap, hinayaan siyang umiyak sa balikat ko.

"Bakit hindi mo sinabi?!" galit niyang sabi, mas hinigpitan ang yakap sa akin.

Magsasalita pa sana ako pero narinig ko na ang malakas na katok mula sa pinto. Pinaupo ko si Leader sa kama bago ko binuksan iyon.

Bumungad sa akin si Freeda na may dalang baso ng tubig at seryoso ang mukha. Tinaasan niya ng kilay si Leader bago siya lumapit sa akin.

"What are you doing here?" seryosong tanong ni Freeda sabay lapag ng baso sa side table, "are you going to hurt my mom again?"

"Freeda..." marahan kong tawag sa pangalan niya, "He's your father."

"He is just my biological father without any affection," wala akong nakitang emosyon  kaniyang mukha. 

Nakita ko kung paano tumulo ang luha ni Leader habang sinasabi iyon ng anak namin. Hinawakan ni Leader ang braso ni Freeda at marahan itong niyakap papapit sa kaniya.

"I am so sorry, baby..." bulong ni Leader habang umiiyak.

"Bakit ngayon ka lang?" Freeda asked, nagpipigil na maiyak na rin, "ilang taon mo kaming iniwanan! Bakit ngayon lang?"

"I didn't know," mahinang sabi ni Leader, "kung alam ko lang, hindi kita iniwanan!"

Tinulak siya ni Freeda. Nawalan na siguro ng lakas si Leader dahil mabilis na nakawala sa yakap niya ang anak ko. Nakita ko na naman kung paano gumuhit ang sakit sa mata ni Leader.

I can't help but cry with them.

"You shouldn't have left my mom in the first place even without me!" sigaw ni Freeda sabay suntok sa dibdib ni Leader, "I hate you! I hate you so much! Mama is so lonely because of you! You left mama when she needed you the most!"

She's throwing some punches on Leader's chest, hindi niya ito pinigilan. Hinatak niya lang ito para yakapin habang pareho silang umiiyak na dalawa.

One Beautiful Mistake (Ellington Series #2) (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon