Kabanata 22

62.8K 1.4K 1.1K
                                    


Kabanata 22

Cheat


Natapos ang buong oras kanina na wala akong ginawa kung hindi ang iwasan si Blake. Kinukulit  niya ako at minsan pa ay pinaparinggan pero hindi ko siya pinansin. Patay malisya.

Habang nagliligpit ako ng mga gamit ko ay naramdaman ko si Blake na nakatayo sa gilid ko. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya kaya hindi ko na lang ulit pinansin.

"Dea, send mo na lang sa akin 'yung gawa mo para ako na ang mag-print," sabi ni Philip na naging leader at kagrupo ko sa Filipino.

"Oo, sige," sagot ko bago siya kinawayan.

Isinuot ko na ang bag ko sa akin at akmang aalis na pero nakita ko si Blake na nakasunod sa akin. Naiirita ko siyang tiningnan na may kunot pa sa noo.

"Ano?"

"Sasabay lang ako palabas ng gate. Bawal ba?" aniya.

Hinayaan ko na lang siya sa gusto niyang gawin. Binilisan ko na lang ang paglalakad na halos takbuhin ko na ag distansya papuntang gate. Nagkunwari na lang ako na hindi ko napapansin si Blake pero talagang sinasadya niyang idikit minsan ang sarili niya sa akin.

Buong akala ko ay nandito na si Leader pero narating ko na ngayon ang gate, wala naman siya. Siguro ay traffic lang kaya natagalan.

Tumayo ako sa ilalim ng waiting shed at sumandal sa pader. Maaga pa naman kaya makakapaghintay pa ako. Sandali lang naman siguro e.

"Where's your boyfriend?" rinig kong tanong ni Blake na kahit hindi ko tignan ay alam kong nakatayo rin siya sa gilid ko.

"Traffic," sabi ko na lang kahit hindi naman ako sigurado.

"Really? 8 pm na kaya hindi na ganoon ka-traffic," nakangising sabi niya sa akin kaya sinamaan ko lang siya ng tingin, "maybe you don't really have a boyfriend."

"Anong sinasabi mo diyan?" inis kong tanong.

"Baka sinabi mo lang na may boyfriend ka para tigilan kita," mas lalo akong nainis dahil naging malaki ang ngiti niya.

Ibang klase rin pala mag-isip ng isang 'to! Nakakainis!

"Hindi! Umalis ka na nga?" pagkasabi ko no'n ay nakangiti niyang inabot sa akin ang isang pirasong papel bago tumalikod, "I'm one call away, Ms. Costello."

Wala sa sarili ko itong binulsa at itinuloy ang paghihintay kay Leader. Marami na ang nag-uuwian dahil gabi na rin talaga. Dapat nga ay kanina pa ako umuwi pero ayoko namang umalis ako dito tapos bigla naman dadating si Leader.

Naghintay pa ako hanggang sa 10 pm na pero wala pa rin si Leader. Nilalamok na ako at kanina ko pa siya tinatawagan pero hindi pa rin siya sumasagot. Lowbat na rin ako pero wala pa rin siya. Ano bang nangyari kay Leader? I am worried.

Halos mapatalon ako nang tumunog ang phone ko. Mabilis ko itong sinagot.

"Leader—"

"Are you home now? Sorry. Hindi ako nakadaan and I broke my promise to you. May e-emergency kasing nangyari kaya nawala sa isip ko ang usapan natin..."

Nawala ang saya sa aking sistema. Uminit ang sulok ng aking mga mata pero pinilit ko pa rin siyang kausapin.

"Baby..."

"Nasa bahay na ako. Don't worry, naiintindihan ko naman," pinilit kong magtunog okay para lang hindi siya maghinala.

"I'm so sorry. I'll make it up to you, okay? I love you. Ilang oras ka ba naghintay?"

One Beautiful Mistake (Ellington Series #2) (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon