Kabanata 39

60.3K 1.5K 448
                                    

Kabanata 39

Choose

Tahimik ang lahat at para bang walang balak na galawin ang mga pagkain na nasa hapag. Wala rin ni isang kasambahay ang nanatili sa aming likuran, mukhang sumama kay Nanay para bigyan kami ng respeto para sa ganitong pribadong bagay.

Leader held my daughter's hand, slightly pinching it while smiling. "What do you want to eat?"

"Anything would do, Papa." tugon ng anak ko.

Iyon ang bumasag sa katahimikan. They began to get some foods on their plates but none of them are talking. Pakiramdam ko ay pati paglunok ay maririnig dahil sa sobrang katahimikan na meron dito ngayon.

Si Leader na rin ang naglagay ng pagkain sa aking pinggan. Hinayaan ko lang siya dahil pakiramdam ko ay talagang manginginig ako habang kumukuha ng pagkain.

I feel so nervous! Hindi ko inaasahan ang ganitong pagkikita. Eating with my family again is really something. Hindi naging maganda ang huling kita ko sa kanila kaya bakit sila nandito?

"Leader," baritonong tawag ng Papa niya.

Tumingin lang sa kaniya si Leader na para bang naghihintay ng kasunod na sasabihin ng kaniyang ama.

"You looked like your daughter." nakangiting sabi nito sabay tingin sa anak kong kumakain lang at parang walang pakialam.

Kung magkakagulo man ay dapat kong ialis ang anak ko rito. Hindi makakabuti sa kalagayan niya ang makasaksi ng pagtatalo. The last time that she witnessed one, she almost died. I can't let her experience the same feeling again. Hindi ko na kakayanin 'yon.

"My daughter is hiding here?" biglang sabi ni Papa kaya napatingin ako sa kaniya. Nakatingin siya sa gawi ko kagaya ni ate Anna. "What are you doing here with the Ellingtons, Dea?"

"Papa..." mahina kong tawag sa pangalan niya.

"I brought her here, Mr. Costello." ani Leader. "Is there something wrong about it?"

"You two are not yet married to each other!" giit ni Papa sabay pabalyang binitawan ang mga kubyertos na hawak. "You left her before! Paanong kayo ulit ngayon?"

"You left my mom before too. Paanong nandito kayo ulit ngayon?" mapanuyang sabat ng anak ko.

Hinawakan ko kaagad ang balikat ni Freeda. Nakayuko lang siya at kumakain, mukhang hindi apektado sa usapan.

"Aba't–"

"Ito ang dahilan kung bakit hindi ako makapaniwalang anak ni Leader ang batang 'yan!" narinig ko na naman ang sigaw ng Mama ni Leader. Galit pa rin ang kaniyang itsura, kagaya na lang noong huling kita namin. Walang pagbabago.

"Mom!" awat ni Legend sa kaniyang ina.

"Huwag mong kinukunsinti ang kapatid mo, Ledge! Nababaliw na ang kapatid mo dahil inaangkin niya ang batang hindi kaniya!" paghihisterikal ng ina niya.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at 'tsaka kinarga si Freeda. I need her to get out of here. Hindi na pwedeng maulit ang nangyari noong nakaraan. Ayoko na ulit makitang naghihirap ang anak ko.

Saktong pumasok si Nanay sa dining area kaya ibinilin ko na muna sa kaniya si Freeda. Legend asked Euphy if she could accompany Freeda for awhile. Buntis din kasi si Euphy kaya siguro pinaalis na muna siya ni Legend.

"Ha!" pasinghal na sabi ng mama ni Leader. "I can't believe this!"

Napatayo na siya sa kinauupuan niya. Umupo ako pabalik sa tabi ni Leader at hinayaan lang ang kaniyang ina na tumayo ro'n at halatang naiirita sa mga nangyayari.

One Beautiful Mistake (Ellington Series #2) (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon